May deal sa Ombudsman... Bonoan, lusot, gagawing state witness
- BULGAR

- 7 hours ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | June 30, 2026

Photo: Manuel Bonoan - Senate of the Philippines
Nakatakdang maging state witness ang dating kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na si Manuel Bonoan sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa flood control project.
Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla, hihilingin nila sa korte na alisin si Bonoan bilang respondent sa kaso upang payagan itong magsilbing cooperating o state witness.
“We already have a signed agreement for the cooperation of Bonoan to become a cooperating witness,” ani Remulla.
Mahalaga umano ang magiging testimonya ni Bonoan dahil sa kanya mismong direktang kaalaman sa pagpaplano, pagpapatupad, at implementasyon ng mga flood control project ng pamahalaan.





Comments