May dalang pana… Lalaking nag-trespass sa Windsor Castle, arestado
- BULGAR

- Dec 27, 2021
- 1 min read
ni Jasmin Joy Evangelista | December 27, 2021

Arestado ang isang lalaki matapos nitong mag-trespass sa Windsor Castle kung saan nag-celebrate ng Pasko si Queen Elizabeth.
Ayon sa pahayag mula sa Thames Valley Police, isang lalaki ang naaresto noong Sabado dahil sa pagpasok sa bakuran ng Windsor Castle habang may dalang pana.
"A 19-year-old man from Southampton was arrested on suspicion of breach or trespass of a protected site and possession of an offensive weapon," sinabi ng pulisya. "Security processes were triggered within moments of the man entering the grounds and he did not enter any buildings”, ayon sa pahayag.
Nang maaresto ang lalaki ay nakuha rito ang isang pana.
Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng Metropolitan Police Specialist Operations ang insidente.
Naipagbigay-alam na rin sa Royal Family ang insidenteng ito sa Windsor Castle, kung saan, sila ay nagse-celebrate ng Christmas holiday.





Comments