top of page
BIDA - ALEX EALA, MAY MGA BASHERS NA FOREIGNER-IG _alex.eala.jpg

May dagdag-pasahe pa — LTFRB... P20/litro ayuda sa petrolyo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 12 hours ago
  • 1 min read

ni Mervin Reyes @News | August 4, 2026



LTFRB Chairperson Vigor Mendoza - Land Transportation Franchising and Regulatory Board - LTFRB

Photo: Senate of the Philippines / File



Inihayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magsusumite ito ng rekomendasyon para sa pansamantalang dagdag-pasahe sa lahat ng public utility vehicles (PUVs) habang dinidinig pa ang mga petisyon para sa fare hike.


Ayon kay LTFRB Chairperson Vigor Mendoza, kasalukuyang kinukuwenta ng ahensya ang posibleng provisional fare increase batay sa mga datos na iniharap ng iba't ibang transport groups sa isinagawang pagdinig.


Bukod dito, isinumite na rin ng LTFRB sa Malacañang ang rekomendasyon para sa P20 kada litrong fuel subsidy para sa lahat ng PUV sa loob ng isang buwan, na mangangailangan ng tinatayang P4.5 bilyong pondo.


“I think there will be some decisions within the week... nakikita natin 'yung urgency ng mga 'to,” dagdag niya.


Sinabi rin ni Mendoza na halos pitong porsyento na lamang ng pondo para sa kasalukuyang P10 fuel subsidy ang natitira at inaasahang tatagal hanggang Agosto 15.

Pinag-aaralan din ng LTFRB ang iba't ibang opsyon depende sa uri ng pampublikong sasakyan, kabilang ang kombinasyon ng fuel subsidy at fare increase. 


Nakikipagpulong din ang ahensya sa mga bangko upang matugunan ang mga suliranin sa pagbabayad ng utang ng mga PUV operator.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page