top of page

May concert na, nagka-award pa… ASHTINE, BUMONGGA ANG CAREER NANG MAHIWALAY KAY ANDRES

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | May 5, 2026



Ashtine Olviga - IG

Photo: Ashtine Olviga - IG



Binalikan ni Ashtine Olviga ang music at nag-release ng single niyang Love Like U (LLU) at muli, sinuportahan siya ng kanyang mga fans at fans ng AshDres love team nila ni Andres Muhlach. 


Ang naging takbo pala ng career ni Ashtine, from P-pop to acting and back to P-pop at she’s nailing both in singing and acting.


Magagandang feedback sa single ang ibinalik kay Ashtine, maganda ang song kaya marami ang nag-congratulate sa kanya. 


Ang request ng mga fans, EP (extended play) o album na sana ang kasunod ng single, pero concert na muna ang inuna.


Speaking of Ashtine, nanalo ito ng awards sa 7th VP Choice Awards. First Place sa Pipol Face of the Year, TV Actress of the Year (for Ang Mutya ng Section E), at Supporting Movie Actress of the Year (for Manila’s Finest).


Nanalo rin sila ni Andres ng Love Team of the Year sa 7th VP Choice Awards at kahit papaano, nabawasan ang mga nagtatampo kay Andres dahil tila napapabayaan daw nito ang love team nila ni Ashtine. 


Parehong busy ang dalawa sa kani-kanyang project at dapat maintindihan ito ng kanilang mga fans.


Si Ashtine nga, na-feature sa Viva One Originals. Ngayon naman, nakapag-release ng hit single at may concert pa, kaya tama ang ibang AshDres fans, hindi naging sayang ang pansamantalang pagso-solo nila.





Maglo-launch si Marian Rivera ng bago niyang business na tinawag niyang Vida Essentials at under ito ng Flora Vida business niya na kung matatandaan ay flower at home essentials. 


Sa mga photos na inilabas, sinabi ni Marian na skin care ang bago niyang business. Pinasok na rin niya ang beauty industry. 


May photo pa nga na may hawak siyang lotion at nagpapahid siya nito sa katawan.

Aniya, “Your new skin essential, coming this May. Because caring for your skin is more than part of a routine. It is a daily act of self-love and a moment to give back to yourself. Thoughtfully made with gentle, effective care your skin will appreciate everyday.”


Sinundan ito ng post na: “This one is a little special to me... See you on my TikTok live this May 9, 12 noon.


“Sabay-sabay nating i-experience. I’ll be waiting for you.”

So, sa May 8 ang launching ng new business niya at sa dami na ng nag-aabang nito, hindi nakakagulat kung mag-sold-out ang lotion at iba pang products na kanyang ii-introduce.


Well, pinuri si Marian dahil kahit daw maganda pa ang showbiz career at tuluy-tuloy ang projects, pinasok pa rin ang pagnenegosyo. Maliban dito, operational na rin ang family clubhouse and playground business niya na nag-o-offer ng educational activities and relaxation space for parents. May business partner siya rito.


Present ang mister niyang si Dingdong Dantes sa opening ng family clubhouse bilang suporta. 


Knowing Marian Rivera, kahit maging busy sa taping ng Behind Closed Doors (BCD) at shooting ng movie nila ni Dingdong, may time pa rin siya sa mga negosyo niya.





TAMA ba ang bilang namin na 16 ang talents ng Star Worx na ipakikilala ng TV5 at MQuest Artists Agency sa launching today? 


Sa 16, sina Marthena Jickain, Mark Ian Garcia at Carmela Lorzano ang napapangalanan.

Dahil siguro sa anak ni Aiko Melendez si Marthena at in fact, si Aiko ang nagkumpirma na kabilang sa Star Worx talents ang anak. 


Si Carmela naman ay kilala na dahil grand champion ng Sing Galing (SG) ng TV5. Siya rin at si Rouelle ang kumanta ng theme song ng My Bespren Emman (MBE) na Hesus ng Aking Buhay.


Si Mark Ian ay kumpirmado na kabilang sa 16 Star Worx talents at may showbiz exposure na dahil kasama siya sa cast ng A Secret In Prague (ASIP) bilang si Angelito na younger brother ni Enrique Gil. Hindi alam ng media na Star Worx talent ang young actor sa mediacon ng series dahil kung nalaman, siguradong na-interview siya.


Ang iba pang Star Worx talents ay rumampa sa Bench Fashion Show, kaya sanay na humarap sa maraming tao. 


Sa surname ng iba, alam agad na may dugo silang banyaga. 

Malalaman din sa launching ang project ng Star Worx talents at tiyak na may project agad sila dahil ang tagline nito ay “Work Makes Stars.”


Anyway, sa interview ni MJ Marfori kay Mark Ian, nagpasalamat ito na may project siya. 

“I’m very thankful. After waiting for more than a year, nabigyan po ako ng acting work ... and nasali ako sa isa sa pinakamalaking project ng TV5 this year,” sabi ni Mark Ian Garcia.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page