top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

May collab sa mga produ sa Korea… ARCI, 1 DOZEN STAFF ANG BITBIT SA TRAVEL VLOG ABROAD

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 11, 2023
1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | March 11, 2023




Umalis papuntang Malaysia ang aktres na si Arci Muñoz ngayong Biyernes kasama ang halos isang dosenang staff and crew ng gagawin niyang travel vlog.


Isang buwan na mawawala si Arci na maglilibot din sa Indonesia at iba pang mga kalapit-bansa.


Ang pinakamaganda sa nasagap naming tsika ay 'yung possibility umano na maka-meeting ni Arci ang ilang top executives from Korea na direktang nagpoprodyus ng mga K-pop shows, concerts and movies.


Maaaring ito na raw ang hinihintay na pagkakataon ng aktres na ma-involve sa mga K-pop artists and shows na kanya naman talagang kinababaliwan din gaya ng iba nating celebrities. Either aarte o mag-co-produce diumano si Arci sa pag-uusapang K-pop project.


May mga naiintriga na marahil daw ay sobra-sobra na ang naipon na pera ni Arci o baka naman hindi natin nabalitaan na naka-jackpot ito sa lotto nang daan-daang milyones, dahil bukod sa mga bongga nitong trips abroad ay na-afford na nitong makipag-collab sa mga artists o kaya co-producer.


Sana nga, totoo ito, dahil sa ganda at seksi ngayon ni Arci, kahilera niya talaga ang mga very bagets looking na K-pop stars.


Why not, Chocnut, 'di ba?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page