top of page
WINNER - BEA AT VINCENT, IKAKASAL NA!_IG _bealonzo

May bitbit na pekeng warrant... Bahay, nilimas ng 8 ‘pulis’

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 1 min read

ni Benjamin Chavez @News | July 15, 2026



Gapos Gang sa Marikina 2 - Eastern Police District NCRPO

Photo: Eastern Police District NCRPO



Nabuwag na ang isa sa pinakamakapangyarihang armadong sindikato sa rehiyon matapos ang matagumpay na operasyon ng Eastern Police District (EPD) sa Brgy. Concepcion Dos, Marikina City.


Limang suspek ang agad na nahuli habang nagsasagawa ng pagnanakaw sa tirahan ng isang pamilya, alas-12:30 ng hatinggabi.


Kinilala ang mga dinakip na sina alyas Ahorn, Don-Don, Oryong, Ric at Beshir, na karamihan ay mula pa sa Nueva Ecija at Isabela, habang tatlo pa ang nakatakas at pinaghahanap.





Nagpanggap ang grupo bilang mga pulis at nagpakita ng tatlong pekeng warrant of arrest upang makapasok sa bahay. Pagpasok, winasak nila ang CCTV at pinutol ang WiFi, bago ginapos ang mga nakatira saka tinangay ang mga gamit, pera, at alahas.


Nakatakas naman ang isa sa mga biktima at lihim na nakatawag ng tulong sa pulisya. Agad na dumating ang mga tauhan ng Marikina Police Station at naipit ang grupo sa loob ng bakuran.


Nasabat sa kanila ang isang 9mm na baril, apat na sumpak, bala, mga maskara, at ang mga pekeng dokumentong ginamit. 


Ayon kay EPD Acting District Director P/BGen. Melecio Buslig Jr., hindi titigil ang kapulisan hangga't hindi naaaresto ang lahat ng kasapi ng sindikato.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page