top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

May bakuna kontra COVID na sa ‘Pinas, agawan pa more!

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 6, 2021
2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | March 6, 2021



Dumating ang higit sa isang milyong doses ng COVID vaccine mula sa China at mula sa Europe.


Nag-aagawan ngayon kung sino ang dapat maunang mabakunahan agad!


◘◘◘


Malinaw ang protocol.


Dapat mauna ang medical frontliners.


Baka mahawa sila sa COVID dahil malapit sa mga pasyente!


◘◘◘


Pahirapan ang pagkuha ng COVID vaccine.


Ito ay dahil sa kinorner ng mayayamang bansa ang bultu-bultong units ng bakuna.


Kabilang sa naiwanan sa “pansitan” ang ‘Pinas!


◘◘◘


Imbes na third week ng Pebrero, ngayong unang linggo ng Marso nagsimulang dumating ang mga COVID vaccine sa Metro Manila.


Magkasunod na dumating ang Sinovac ng China at AstraZeneca ng Europe!


◘◘◘


Masinod na iniskedyul ng gobyerno kung sino ang dapat bigyan ng prayoridad sa iba’t ibang sektor.


Alam ito ng mga lawmakers dahil sila ay nasa “pampitong hanay” imbes na nasa unahan sa sektor ng government workers!


◘◘◘


May prayoridad sa listahan ang senior citizens at persons with co-morbidities.


Binuo ang listahan ng Interim National Immunization Technical Advisory Group (iNITAG) na ikinokonsulta ng IATF para isistema ang pagtuturok ng bakuna!


◘◘◘


Ere na ang siste, marami ang nadismaya sa ulat na si Rep. Helen Tan ay agad nakalusot sa pagpapabakuna.


Nasorpresa ang ilan nang angkinin ni Tan ang “record” na pinakaunang miyembro ng Kamara de-Representante na nagpaturok ng COVID-19 vaccine!


◘◘◘


Gayunman, ikinatwiran ni Tan kasama siya bilang miyembro ng immediate family ng kanyang anak na doktor na nagtatrabaho sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).


Sa totoo lang, isa ring doktora si Madam Helen pero obvious namang hindi siya medical frontline worker!


◘◘◘


Iniintriga si Tan dahil dapat umano niyang hintayin ang alokasyon sa bakuna para sa mga miyembro ng Kamara de-Representante.


Bistado na nagmadali at super-excited si Madam Helen!


◘◘◘


Hindi naman daw VIP treatment ang magpabakuna nang una kaysa sa lahat sa mga kapwa niya kongresista.


Huh, masyado raw mareklamo ang mga kritiko na wala namang pambayad sa bakuna.


He-he-he!


◘◘◘


Hindi naman daw VIP si Rep. Tan dahil kung talagang sosyal siya, mas dapat hinintay niya ang bakuna ng AstraZeneca ng Europe imbes na Sinovac ng China.


Huh, inismol pa niya ang “made in China”!


◘◘◘


Napapahiya ngayon si Speaker Lord Alan Velasco na nagyabang pang magpapahuli ang mga kongresista sa pagpapaturok ng COVID vaccine.


Pauunahin daw muna nila ang mga empleyado ng Kamara at media, kasama ang kanilang immediate family members.

Gagastusan daw ng Kamara ang bakuna para sa mga ito!


◘◘◘


Ngayon, hawak ni Rep. Tan ang “record” bilang unang mambabatas na lantarang nagpabakuna.


Siya kung gayun ang “certified Bakuna Queen”.


Klap-klap-klap!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page