May bagong bahay daw… JANINE, NAGSALITA NA SA KUMALAT NA NAGLI-LIVE-IN NA SILA NI ECHO
- BULGAR

- Jun 25
- 3 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | June 25, 2025
Photo: Janine at Echo - IG
Kinorek ni Janine Gutierrez ang mga netizens na nagsabing engaged at nagli-live-in na sila ng boyfriend niyang si Jericho Rosales.
Nag-post kasi si Janine sa Instagram (IG) recently ng series of old photos niya nu’ng tumira sila sa Subic, Olongapo.
May isang photo rin sa post na kuha ni Jericho na nakatingin sa kabayo na same area ng larawan din ni Janine nu’ng binisita niya ang old house ng parents niya sa Subic.
Obviously, magkasama sina Janine at Echo nu’ng pumunta sa Subic.
Caption ni Janine, “Been shooting in Bataan the past few months and went on a little road trip on a day off to visit our old house when I was a kid, when Papa used to race in Subic. Smiling face smiling face. My heart, my heart — a part forever here.
“I am older now than my parents were during the time we had this house and I don’t know how they pulled it off but this was such a great time. Thank you, Mama and Papa.”
May netizen ang nag-comment ng ganito, “Marry each other (heart eyes emoji).”
Sinagot ito ng isa pang follower sa IG ni Janine. Sabi ng netizen, “They’re engaged and living together na (red heart emoji).”
Pinabulaanan naman ito ni Janine. Pero hindi naman galit ang aktres nu’ng ni-reply-an ang comment ng netizen.
Aniya, “No. I just moved into a new place of my own, I don’t even have all my furniture yet!”
Baka ‘pag natapos nang punuin ni Janine ng furniture ang bago niyang “place,” whether it’s a house na or condo, saka sila magpapakasal ni Echo.
PROUD and loud ang mister ni Anne Curtis na si Erwan Heussaff sa pag-imbita sa kanya ng kilalang American writer and producer na si Philip “Phil” Rosenthal sa travel documentary TV series nitong Somebody Feed Phil (SFP) na napapanood sa Netflix.
Ipinost ni Erwan sa Instagram (IG) ang piktyur nila ni Phil sa pag-apir niya sa show nito.
Caption ni Erwan: “The cat’s out of the bag! I was invited to take part in Somebody Feed Phil when they came to Manila last year. I was so nervous, but Phil’s genuine passion and
interest put me at ease immediately.
“To be given this platform to talk about Filipino food and our love for it is such a privilege.
“The episode visits some pretty great spots around our beloved and chaotic Metro Manila. It was also our last meal with Gaita before she passed. Such a special episode, please check it out on @netflix. I hope we made all of you proud!
“@phil.rosenthal I hope to bump into you again soon! Amazing job with the new season.”
Tinawag naman ni Phil si Erwan bilang “Instagram titan with millions of followers” at “Champion of Filipino cuisine”.
Well, dito na umani ng mga haters si Erwan, sa title na ibinigay sa kanya ni Phil.
Sey nila, “Luh! Maraming haters sa ‘Asawa ni Anne Curtis’ dahil tinawag s’ya na ‘Champion of Filipino food’ ni Phil Rosenthal. He has done so many things for Filipino cuisine and culture with Featr.”
“Sana mag-aral s’ya ng Tagalog. Marunong s’yang mag-French (dahil sa tatay) pero bakit hindi s’ya tinuruan ng sariling wika natin? Dito naman yata sila lumaki. Iniisip ko tuloy, nakakababa ba sa kanila na matutong magsalita sa wikang Tagalog?”
“Parang mas deserve ni Kara David. Mukha kasing profiting off on our culture ‘yung isa. Iba ‘yung business-centered talaga.”
“Not a hater here. Pero I find Erwan overrated as a cook.”
“Nah. Turn-off ‘yan, may isang vlog na he said he grew up daw with Burger Machine. Sino’ng t*ngang maniniwala ru’n? He makes his ‘renditions’ of Pinoy cuisine. His ‘advocacy’ is done by a team of researchers.”
“So it’s not him alone. Bakit sa kanya credit? Featr is a copy of Eater and Bon Appétit. He said he grew up with Burger Machine then turns around and says they had a chef growing up cooking French food.
“On his solo episode, kung anu-ano ginagawa n’ya sa lutong Pinoy.”
Sinagot din ng ibang mga netizens ang bashing kay Erwan.
Sey ng ibang netizens, “You don't have to be fluent in Tagalog to be a champion of Filipino food. He has been advocating and promoting it through — try watching his episodes and you’ll see how he does it.”
“FEATR is more than Erwan's cooking skills. Hindi biro ‘yung paggalugad sa bawat sulok ng Pilipinas to promote our local cuisines, ha?”
Ang Featr Media ay isang content creator na pinamamahalaan ni Erwan.
Anyway, kung ayaw nila na tawaging ‘Champion of Filipino food’ si Erwan Heussaff, hayan at binigyan naman siya ng Broadcast Media Award under Social Media Account category mula sa The James Beard Awards, dubbed as “Oscars of the Food Community.”










Comments