top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

May-ari ng barkong nagdulot ng oil spill, dapat magbayad sa mga naperhuwisyo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 21, 2023
  • 1 min read

@Editorial | March 21, 2023


Lumalawak na ang pinsala ng oil spill sa Oriental Mindoro na naging sanhi ng pansamantalang pagtigil ng pangingisda at may mga nagkakasakit na.


Kaugnay nito, marapat lang na makatanggap ng compensation mula sa may-ari ng barkong MT Princess Empress na lumubog sa nasabing lugar. Base sa Oil Pollution Compensation Law of 2007 o ang Republic Act No. 9483, responsable ang may-ari ng tankers sa naidulot nitong polusyon.


Una na ang gastos sa pagsasagawa ng clean up operations, pangalawa ay ang pinsala nitong dala sa Oriental Mindoro, lalo na sa kabuhayan ng mga resident ru’n, sunod naman ay ang banta sa kalusugan ng mga tao sa nasabing lugar at panghuli ay ang environmental damage nito.


Napag-alaman na halos nasa 10 munisipyo na ang nasa ilalim ng state of calamity at mahigit 143,000 katao ang apektado dahil sa nasabing oil spill.


Kung gaano kabilis ang pagkalat ng langis, sana ay maging mas mabilis ang aksyon ng mga awtoridad sa pagpapanagot sa mga sangkot sa insidente.


Marami na ang apektado, hindi rin naman sapat ang ayuda lang mula sa gobyerno, kaya ngayon pa lang ay alamin na kung magkano at paano mababayaran ng may-ari ng barko ang perhuwisyong naidulot.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page