May-ari at iba pang nakagat, binalaan... KILLUA, CONFIRMED NA MAY RABIES

ni Angela Fernando - Trainee @News | March 25, 2024

Nagpositibo sa rabies ang katawan ng viral na golden retriever na si Killua, na walang awang pinatay ng kapitbahay ng amo nitong si Vina Rachelle na mula sa Camarines Sur, ayon sa Philippine Animal Welfare Society (PAWS).
Ikakasa na rin ang kaso laban sa suspek na si Anthony Solares dahil sa animal cruelty at pagbebenta ng karne ng hayop.
“PAWS is still set to file criminal charges against Anthony Solares for animal cruelty as CCTV footages show that he was the one who chased the dog and even poked Killua while the animal was hiding under a car in order to make it come out so he could beat Killua to death,” paniniguro ng PAWS.
Inudyukan na din ng PAWS na magpaturok ng post-exposure shots ang owner at ang iba pang nakagat nito.





Comments