top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

May announcement daw sa October… KASALANG JENNYLYN-DENNIS, COMING SOON?!

BULGAR
Sep 17, 2021
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 17, 2021




Excited na ang mga fans at followers nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa kanilang big announcement ngayong Oktubre.


Kani-kanyang hula ang lahat. Marami ang nagsasabing baka wedding announcement na ang kanilang gagawin. Matagal na kasing hinihintay ng JenDen fans ang announcement ng kasalang Jennylyn-Dennis.


Well, pareho nang nasa tamang edad at financially stable na sina Dennis at Jennylyn. Matatag ang kanilang career at smooth-sailing ang kanilang relasyon.


Kasal na lang ang kulang sa kanila na magbubuklod at magpapatibay ng kanilang pagmamahalan.


Ayon sa kanilang mga fans, hindi naman kailangang magarbo at mala-Wedding of the Year ang kanilang kasal. Kahit daw tulad na lang ng kina Angel Locsin at Neil Arce. Ang importante ay makasal na sina Dennis at Jennylyn soon.


Let’s wait and see kung sa Oktubre ay nakapagdesisyon na sina Jennylyn at Dennis. Ang alam namin, marami silang aasikasuhing negosyo sa taong ito. At may mga endorsements din sila.


‘Yung cats cafe nilang Litterbucks ay pansamantala nilang isinara dahil sa COVID pandemic, pero, may mga bagong businesses silang bubuksan. Magkatuwang sina Jen at Dennis sa mga projects na gusto nilang gawin ngayon. Para na rin ‘yun sa kanilang magiging future bilang mag-asawa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page