top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Maxey, LaVine at Wood bida sa 76ers, Bulls at Rockets

BULGAR
Mar 23, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | March 23, 2022




Humigpit ang karera sa taas ng NBA Eastern Conference matapos talunin ng naghahabol na Philadelphia 76ers ang numero unong Miami Heat, 113-106 sa Wells Fargo Center. Lumapit din sa liderato ang Chicago Bulls at Boston Celtics matapos ang mga hiwalay na tagumpay.

Nilampasan ng 76ers ang pagliban nina Joel Embiid at James Harden at pumutok para sa 13 ng 28 puntos si Tyrese Maxey sa 4th quarter. Pumantay ang Philadelphia sa segundang Milwaukee Bucks sa 44-27 panalo-talo at may tig-11 nalalabing laro upang mahabol ang Heat na bumaba sa 47-25.

Nagtala ng 36 puntos si Jayson Tatum habang 25 puntos si Jaylen Brown at nakamit ng Celtics ang inaasahang panalo sa kulelat na Oklahoma City Thunder, 132-123, kahit walong manlalaro lang ang ginamit ng Boston. Parehong 26 puntos sina Zach LaVine at DeMar DeRozan sa 113-99 wagi ng Bulls sa bisitang Toronto Raptors.

Halimaw si Christian Wood sa double-double na 39 puntos buhat sa walong three-points at 10 rebound para sa bihirang panalo ng kulelat sa buong NBA na Houston Rockets sa Washington Wizards, 115-97. Sinundan si Wood ni kabayan rookie Jalen Green na may 17.

Nagsumite ng triple double si LeBron James na 38 puntos,11 rebound at 12 assist upang ipanalo ang Los Angeles Lakers sa Cleveland Cavaliers, 131-120, at buhayin naghihingalong kampanya. Kumuha ng tulong si LBJ kay Russell Westbrook na may 20 puntos at DJ Augustin na may 20.

Patuloy pa rin ang pagsikap ng Brooklyn Nets na makaiwas sa delikadong Play In Tournament at iniligpit ang Utah Jazz, 114-106, ang ika-37 panalo. Namuno sa Nets si Kevin Durant na may 37 puntos at sinundan ni Bruce Brown na may 22.

Sa ibang laro, naka-shoot si LaMelo Ball sa 8 segundong nalalabi upang masigurado ang 106-103 panalo ng Charlotte Hornets sa New Orleans Pelicans. Tagumpay din ang Portland Trail Blazers sa Detroit Pistons, 119-115, at nalusutan ng Dallas Mavericks ang Minnesota Timberwolves, 110-108.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page