Maugong sa pista ang Robin Hood

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | April 29, 2022
Ilang tulog na lang at masisilayan muli ng mga karerista ang pagtakbo ni Robin Hood sa pista.
Maugong ang pangalan ni Robin Hood dahil marami ang bumibilib na karerista sa kanyang mga ipinakitang performance sa karerahan.
Nominado si Robin Hood sa 2022 PHILRACOM "Chairman's Cup Division II" na ilalarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas sa Mayo 8.
May distansiyang 2,000 meter race, rerendahan si Robin Hood ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey-of-the-Year awardee Jessie Guce.
Tiyak na magiging liyamado si Robin Hood dahil karamihan sa komento sa social media ay nagsasabing kayang-kaya nito ang mga makakalaban.
"Napakahusay niyan ni Robin Hood, kahit alam natin na magagaling ang ibang kasali ay sa kanya pa rin ako lalagay," saad ni Jestoni Almanza, veteran karerista na taga-Tayuman.
May guaranteed prize na P750,000, ang ibang nagsaad ng pagsali ay sina Golden Sunrise, Hookbung Dagat, King Tiger, Moment Of Truth at Shanghai Noon.
Hahamigin ng unang kabayong tatawid sa meta ang P450,000, sisikwatin ng 2nd placer ang P168,750 habang tig-P93,750 at P37,500 ang 3rd at 4th, ayon sa pagkakasunod.
Samantala, 7 karera ang inihain ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI) ngayong araw ng Huwebes kaya tiyak na masisiyahan ang mga karerista sa kanilang paglilibang. Suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni Chairman Reli De Leon ang nasabing stakes race.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1. Hee Nieve Rahh/Lucky Noh Noh (7/7A), Double Shot (13), You Never Know/Ambisioso (3/3A)
Race 2. Top Czar (3), Refuse To Lose (7), Heroesdelninetysix (6)
Race 3. Lucky Julliane (9), Sweet City (10), Great Year (6)
Race 4. Palibhasa Lalake/Doctor Amorette (2/2A), Concepcion (1), My Jopay (3)
Race 5. Rockaway (12), Don Albertini/Signature Whiskey (1/1A), Riding The Tiger (11)
Race 6. Smart Julliane (6), Vitreuz/Noir (7/7A), Bato (8)
Race 7. Money For Biffany/Northern Fame (6/6A), Divine Dancer (9), Beyond D' Sea (8)





Comments