Search
  • BULGAR

Matteo, hiningan ng prenup, anak 'di pumayag…

MOMMY DIVINE, TAKOT NA TAKOT MAWALA ANG P1.3 BILYON NI SARAH

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 12, 2020




Isa raw sa mga kondisyon noon na ibinigay ni Mommy Divine Geronimo kay Matteo Guidicelli bago sila nagpakasal ni Sarah Geronimo ay ang pagpirma ng aktor sa prenuptial agreement, kung saan hindi mapapakialaman ni Matteo ang mga properties na naipundar ng Popstar Royalty kahit na mag-asawa na sila.


Gustong proteksiyunan ni Mommy Divine ang mga properties na nabili ni Sarah kaya humirit siya ng prenuptial agreement.


Pero mismong si Sarah ang tutol sa gustong mangyari ng kanyang ina. Ayaw ni Sarah na obligahin o pilitin si Matteo na pumirma sa prenuptial agreement.


At para hindi na sila pare-parehong ma-stress sa sitwasyon, minabuti nina Sarah at Matteo na manahimik na lang muna. Hindi na nila inungkat pa sa parents ni Sarah ang tungkol sa plano nilang pagpapakasal.


Six years na mahigit na naging magnobyo sina Sarah at Matteo bago naganap ang biglaan at lihim na kasalan nila noong February 20, 2020. Pero, September, 2013 nang sagutin ni Sarah si Matteo at nailihim nila ito sa kanilang mga partidos.


Maraming properties na naipundar si Sarah Geronimo sa panahon ng kanyang kasikatan sa showbiz. Sa latest report ay may P1.3 billion na ang worth ng yaman ni Sarah. Ito ang dahilan kaya gusto ni Mommy Divine na pumirma ng prenup agreement si Matteo.


For sure, walang pirmahang naganap dahil nagawang ilihim nina Sarah at Matteo ang kanilang pagpapakasal. At wala na ring nagawa pa si Mommy Divine dahil nakasal na sina Sarah at Matteo at nasa tamang edad na rin ang dalawa. Hindi makakalimutan sa showbiz ang naganap na controversial wedding!

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.