Matteo, after mag-post ng ultrasound… ANNOUNCEMENT SA PAGBUBUNTIS NI SARAH, INAABANGAN NA
- BULGAR

- 54 minutes ago
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 28, 2026

Photo: -IG _matteog
Pinagkakaguluhan ngayon ng mga netizens ang Instagram (IG) reel ni Matteo Guidicelli na nagpapakita ng isang ultrasound screen.
Nakabungad agad sa video ang isinasagawang check-up at sumunod na scene ay makikita namang nakahiga si Matteo at tila siya ang nagpapa-ultrasound.
Next scene ay makikita na ang plug ng latest episode ng vlog ng aktor na Matteo G. Primetime sa YouTube (YT) channel. It turned out na teaser ito para sa kanyang show na mapapanood this coming Saturday.
Naloka ang mga followers niya dahil ang hinala nila ay buntis na ang misis nitong si Sarah Geronimo nang makita nila ang ultrasound scene, only to find out na si Matteo pala ang nagpapa-ultrasound.
“Hahaha! Pot**, naisigaw ko pa na buntis si Sarah G. dito sa office, tapos biglang lumabas si Matteo. Hahaha!” sey ng isang netizen.
Pero marami naman ang nagsabi na hindi pa natin sure ang kabuuan ng episode and some are hoping na may pregnancy announcement ang mag-asawang Matteo and Sarah sa Saturday.
“Whahaha! I can't wait!!! Mga puso namin, Diyos ko,” sey ng isa.
“I’m sure na si Sarah ‘to... you said in your b-day post about her that this will be the best year!” sey ng isa pang follower.
“Feeling ko, preggy na si Sarah. Kasi ‘di naman nila paglalaruan ang feelings natin. Hahaha!” saad ng isa pa.
Nitong mga nakaraang araw ay may espekulasyon ngang baka buntis na si Sarah sa first baby nila ni Matteo dahil medyo tumaba raw ito ngayon at parang may baby bump umano na nakikita ang mga netizens sa kanyang tummy.
Well, let’s wait and see dahil ia-announce naman nila ito for sure kung totoo. If true, deserve na deserve naman nila ang blessing na ito.
Sumakay sa maliit na barko, gabi pa bumiyahe…
NADINE, MUNTIK NANG MAMATAY MAPUNTAHAN LANG ANG BF SA SIARGAO
Marami ang hindi nakakaalam sa matinding panganib na sinuong ni Nadine Lustre few years ago para lang makapunta sa Siargao matapos hagupitin ang isla ng malakas na bagyo.
Sa panayam sa aktres sa vlog ni Bianca Gonzalez, napag-usapan nila ang kanyang love for Siargao kaya nga halos dito na rin siya nakatira kapag wala siyang trabaho sa Manila, kasama ang kanyang karelasyong si Christophe Bariou.
Isa nga sa mga na-bring-up during the interview ay ang pagsugod niya sa isla matapos ang Super Typhoon Odette noong 2021, kung saan ay napakaraming tahanan at establisimyento ang nawasak.
Talagang kahit risky ay pumunta pa rin siya dahil sa labis na pag-aalala sa mga residente at siyempre, kabilang na rito ang BF niyang si Chris.
She recalled na sumakay daw siya sa isang napakaliit na bangka para makarating sa isla at puwede siyang mamatay kung may mangyayaring hindi maganda.
“You know, it’s so funny because when that happened, nu’ng nandu’n na ‘ko sa boat, sabi ko, ‘What am I doing? I’m going to die!’” sey niya sabay tawa.
“Because I honestly don’t know how or what came over me na sumakay ng boat. The boat was so small,” dagdag niya.
“And for us to kind of brave the storm... but even then, parang sabi ko, ‘Why am I doing this?’ And that was in the evening, ha? I rode the boat at 6 PM,” kuwento niya.
Napakadilim pa raw that time dahil walang kuryente sa buong isla.
“It was really devastated by the storm so everything was grabe, grabe ‘yun,” aniya.
“I needed to go there just so that I could help or you know, I could check up on my friends kasi grabe!” dagdag pa niya.
Napamahal na raw talaga sa kanya ang mga taong naninirahan sa isla.
“I’ve grown to love the people that have been living on the island for so long na, but also locals, you know, they’re very kind and they’re very respectful,” sey pa ng aktres.





Comments