top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

“Matira matibay” na ba ang bagong slogan ng CHED?

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 14, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | January 14, 2022



DAHIL SA KAPABAYAAN AT KAPALPAKAN KAYA TATLONG MILYONG PINOY NA ANG NADADALE NG VIRUS SA ‘PINAS–Pumalo na sa higit tatlong milyong Pilipino ang tinamaan ng COVID-19 sa buong bansa.


Patunay ‘yan na naging pabaya at palpak ang Duterte gov’t. sa laban sa COVID-19 kaya ganyan na karami ang mga naka-virus sa Pilipinas, boom!


◘◘◘


HINDI BIRO ANG NARANASAN NG 2.7-M PINOY NA NAKA-RECOVER SA COVID-19–Sa mahigit tatlong Pinoy na nagka-virus, mahigit 2.7 milyon ang naka-recover o gumaling na.


Ang pagka-recover ng mahigit 2.7-M Pinoy ay hindi dapat ibida ng gobyerno kasi sa totoo lang, hindi biro ang naranasan ng mga ito kasi bukod sa nalagay sa panganib ang kanilang buhay, nagkaroon sila ng trauma at gumastos pa sila ng malaking halaga sa pagpapagamot, period!


◘◘◘


SA DAMI NG KUBRADOR NG PERYA NG BAYAN-CON JUETENG SA CAVITE, HINDI KATAKA-TAKANG MARAMING TINAMAAN NG VIRUS SA LALAWIGAN NA ‘TO–Sa buong Southern Tagalog Region o Region 4-A, Cavite ang may pinakamaraming tinatamaan ng COVID-19.


Tulad noong Jan. 9, 2022, shocking sa dami ang tinamaan ng virus sa loob lang ng isang araw, 1,188 ang nagka-COVID.


Noong Jan. 9 lang ‘yan, ha, hindi pa kasama ang datos ng mga nagka-virus noong Jan. 10 at Jan. 11.


Kunsabagay, hindi naman kataka-takang dumami ang nagkaka-virus sa Cavite kasi ang daming kubrador ng perya ng bayan-con jueteng ni “John Yap” ang nagbabahay-bahay, lumalabag sa social distancing sa pagpapataya sa sugal na ito, buwisit!


◘◘◘


BAGONG SLOGAN NG CHED, ‘MATIRA MATIBAY’?--Sa kabila na sobrang daming tinatamaan ng COVID-19 araw-araw sa bansa, inanunsiyo ng Commission on Higher Education (CHED) na tuloy pa rin ang face-to-face classes na mag-i-start ngayong Jan. 31, 2022.


Ang tanong: Ang bagong slogan ba ngayon ng CHED ay ‘Matira matibay?’


Hindi biro ang dami ng tinatamaan ng COVID-19 ngayon, tapos itutuloy pa rin ng CHED ang face-to-face classes, tsk-tsk-tsk!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page