top of page
Search
  • BULGAR

Matinding tagtuyot, paghandaan na

@Editorial | December 15, 2023


Ibinabala na ang matinding tagtuyot na inaasahang mararanasan sa susunod na taon.

 

Kaugnay nito, binigyan na rin ng ultimatum ang Department of Agriculture at National Irrigation Administration na tapusin sa loob ng apat na buwan ang mga mahahalagang irrigation projects sa bansa.

 

Kailangang maayos ang mga irigasyon sa gitna ng El Niño na mas magiging matindi umano pagsapit ng Mayo 2024.

 

Pinatitiyak din na on time ang mga proyekto sa irigasyon pati na ang hydro power at watershed projects para mapakinabangan lalo na ng mga magsasaka.

 

Mahigpit na direktiba na masigurong may sapat na water at power supply sa panahon ng matinding tagtuyot.

 

Kasabay nito, binago rin ang istruktura ng Task Force El Niño. Kung saan, kailangang may partisipasyon ang lahat ng tanggapan ng gobyerno na may kinalaman sa pagtugon sa El Niño para maibsan ang epekto.

 

Kaya sa mga kinauukulan, kilos na at huwag patulug-tulog para kahit paano ay may laban ang bansa sa banta ng mas matinding tagtuyot. Huwag nang hintayin na grabe na ang pinsala bago pa isipan o gawan ng solusyon.

 

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page