top of page
Search
  • BULGAR

Matinding init, kaya pa, ‘wag lang mawalan ng tubig

@Editorial | April 30, 2024



Editorial


Tatagal pa hanggang sa kalagitnaan ng Mayo ang nararanasang mas matinding init ng panahon, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).


Kasabay nito ang ulat na naitala noong Sabado ang pinakamataas na antas ng temperatura sa Metro Manila na 38.8 degrees Celsius.


Kaya patuloy ang paalala sa lahat na ingatan ang sarili.

Kaugnay nito, umaasa naman ang publiko na hindi na madaragdagan ang kalbaryong dinaranas.


Maiwasan sana ang brownout at higit sa lahat, tuloy ang maayos na serbisyo sa tubig.

Bagay na ayon naman sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ay sapat pa rin ang suplay para sa pangangailangan ng mga konsyumer sa kabila ng pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam dahil sa El Niño.


Sa ngayon, naibibigay pa naman daw ng Angat ang pangangailangan ng konsyumer para hindi magkaroon ng tinatawag na pila-balde sa kalye na naranasan noong 2019.


Ayon pa sa MWSS, 90% ng pinagkukuhanan ng tubig sa Metro Manila, Rizal, portions ng Cavite at Bulacan ay nanggagaling pa sa Angat Dam.


Kasabay nito, araw-araw umano na binabantayan ng MWSS ang lebel ng tubig sa Angat.


Sa kabila ng init, tuloy lang sa monitoring sa suplay ng kuryente at tubig para kahit paano ay may laban tayo sa El Niño. Sabayan din ng paghahanda sakaling kapusin para ‘di mas malala ang epekto.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page