top of page

Matindi ang pinagdaraanan… JM, TODO-IYAK HABANG IBINI-VIDEO ANG SARILI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 27
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | June 27, 2025



Photo: JM De Guzman - IG


Viral ang crying video ni JM de Guzman kamakailan. 

Sa Instagram ng actor, isang emotional post ang ibinahagi ni JM kung saan siya ay umiiyak. Ibinahagi niya ang kanyang heartfelt caption about trust and faith. 


Aniya, “Spirit leads me where my trust is without borders. Let me walk upon the waters, wherever You would call me. Take me deeper than my feet could ever wander, and my faith will be made stronger. In the presence of my Saviour.” 


Kalakip ng video ang lyrics mula sa worship song na Oceans by Hillsong United, a well-known worship collective musical band.


Bumaha ng komento sa comment section ng IG ni JM. Maraming sumuportang celebrities sa aktor. 


Sey ni Vina Morales, “Hi, JM. I’m praying for you. I’m just here if you need someone to talk to, we love you.” 


Nagkomento rin si Fifth Solomon, “Hi, JM! I hope you’re doing well. If you need someone to talk to, just message me. Never give up.”


Sabi naman ni Jason Abalos, “God is always with you, Brother.”

Sey ni Jai Agpangan, “Hugs, Kuya Em!”


Hindi naman malinaw para sa iba kung bakit napaka-emotional ng actor in his latest video post sa IG. 


“Until now, ‘di okey mental health n’ya.”


“Clearly, you don’t understand how mental health problems do to somebody - and for that, be grateful.”


“Naku po. Parang Jake Cuenca, brokenhearted ba?” 


"Bakit naman siya mahihiya? Same reaction din ako. Cringe naman talaga ‘yung mga taong ibini-video or pini-picture-an sarili nila habang umiiyak.”


Well, maraming netizens ang nagsabing kaya umiyak ang aktor ay dahil na-body shame siya sa socmed (social media).


Bukas ang BULGAR sa magiging pahayag ni JM de Guzman.


Hindi raw alam na ‘sex’ pala ang ibig sabihin…

“BEMBANG PA MORE!” — ALVIN


ANG dami talagang bagong words na nauuso mula sa mga Gen Z. 

Tulad na lang ng salitang “bembang” na ginamit sa radio program sa DZMM Teleradyo na Gising Pilipinas (GP) kung saan ang host ay si Alvin Elchico. 


Pinag-usapan si Alvin matapos niyang isigaw with full energy ang “Gising Pilipinas! Energy, energy! Bembang pa more!” 


Ayon kay Alvin, ang pagkakaalam niya sa ‘bembang’ ay “pagkagalit o pagkakasermunan”, bagay na akma sa tono ng kanilang komentaryo sa programa.


Pero ayon sa ilang Gen Z netizens, may implikasyong seksuwal na raw ang salitang ito sa kasalukuyang henerasyon kaya’t agad siyang inulan ng reaksiyon at mga komento. 


Tinanggap naman ni Alvin ang reaksiyon ng publiko nang may halong tawa at paalala na iba-iba ang interpretasyon ng wika depende sa edad, panahon at kultura.


“Kinuyog pala ako ng mga kabataan dito. Iba pala ibig sabihin ng bembang sa mga batang ito!” kuwento ni Alvin habang natatawa.


Ipinaliwanag niyang para sa mga kaedad niya, partikular na ang edad 40 pataas, ang ibig sabihin ng bembang ay simpleng sermunan o pagalitan. 


“Ang ibig sabihin sa amin, ‘pag nabembang ako, eh, napagalitan ako nang todo,” dagdag pa niya.


Tinanggap naman ng news anchor ang pagkakaiba ng pananaw nang walang galit o paninisi. 


Ayon sa kanya, ito ay patunay na patuloy na umuunlad ang wika at mahalaga rin ang pagiging mulat sa ganitong mga pagbabago ng kultura. 


Aniya, kailangan itong ipaliwanag dahil natural lang ang mga bagay na may temang seksuwal pero hindi niya inakala na ganito na pala ang tingin ng kabataan sa salitang iyon.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page