Sigaw sa mga taxpayers… EDU: WALA TALAGANG PERA NG GOBYERNO, ATIN LAHAT ‘YAN!
- BULGAR

- Sep 9
- 3 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | September 9, 2025

Photo: Edu Manzano - IG
What?! Ang aktor na si Edu Manzano, ilang araw na lang ay 70 years old na?
Hindi makapaniwala si yours truly na sa tikas at ganda ng mukha ng father dearest ni Luis Manzano ay magse-70 years old na pala, ‘noh?
Nagbahagi ang matikas na aktor ng larawan niya na may hawak na mahiwagang payong at may caption that goes: “Turning 70 in a few days pero fit, still on fire, may dumbbell, may rower, at s’yempre, savage tito n’yo… At may payong pang-cover ng corruption, este ulan.”
In fairness, Edu, hindi ka mukhang 70, mukha ka lang 37. Wa’ etch! (smiling emoji).
Anyway, happy birthday, Edu!
Pero kahit na 70 years old na ang mahusay na aktor this coming September 14 ay hindi pa rin niya nakakalimutan na magpaalala na maging mapanuri sa nangyayari sa kapaligiran, lalo na sa ating bansang sinilangan.
Sa social media post ni Edu ay nagbahagi siya ng kanyang saloobin para sa mga ka-taxpayers niya.
Aniya, “Mga ka-taxpayer, tandaan n’yo ‘to, wala talagang ‘pera ng gobyerno’. Pera nating lahat ‘yan! Kaya bawat proyekto, bawat serbisyo, invested tayo d’yan. Sulitin natin, bantayan natin. Obligasyon nila, pero responsibilidad din nating magtanong at mag-demand ng tama. At oo, kahit bumili ka lang ng suka, asin, toyo, o nagbayad ng tubig, taxpayer ka na rin.
“Akala ng iba, ‘pag wala silang trabaho, wala silang ambag. Pero lahat ng namomroblema sa araw-araw, lahat ng bumibili ng makakain, kasama ka sa mga taxpayer. Hindi lang ‘to tungkol sa mayayaman o empleyado… lahat tayo ay magkakasama sa laban na ‘to.”
Very well said, Edu! Iba talaga ang talino ng father dearest ng TV host of Rainbow Rumble (RR) na si Luis Manzano.
KUNG si Edu Manzano ay may paalala para sa mga taxpayers, si Senator Robin Padilla naman ay may kahilingan para sa mga lolo at lola.
Sa Facebook (FB) page post ng multi-awarded actor na si Sen. Robin ay nag-share siya ng video clip na makikita ang kanyang ina na si Eva Cariño habang inaalagaan ng mga anak.
Caption nito: “Ang aking ina ay 90 taong gulang at may dementia. Kaya ramdam ko po ang bigat at hirap na pinagdadaanan ng ating mga nakatatanda at ng kanilang pamilya, kaya naman po taimtim kong hangad na mabigyan sila ng maayos na kalinga at tunay na malasakit upang masiguro na ang ating mga lolo’t lola ay mamumuhay nang may dignidad at pagmamahal hanggang sa kanilang huling mga taon.”
Harinawa, Sen. Robin ay mangyari ang kahilingan mo para malagay sa maayos na lugar at may mag-aalaga sa mga lolo at lola na hindi pinalad magkaroon ng magandang buhay tulad ng napakasuwerte mong ina na si Mommy Eva.
“LOLA era begins now!” ito naman ang sinabi ng aktres na si Maritoni Fernandez sa kanyang social media post kamakailan lang.
Nanganak na ang loving daughter ni Maritoni, ang dating Kapuso actress na si Lexi Fernandez, sa first baby nila ng non-showbiz husband na si Harry Cordingley.
Super-happy ang veteran actress dahil finally, certified lola na siya.
Samantala, sa Instagram (IG) post ng proud daddy na si Harry Cordingley ay nagbahagi siya ng larawan nila ni Lexi bilang first-time proud parents, kasama ang cute nilang baby na si Charlotte.
Present din ang first-time grandma na si Maritoni sa memorable moment ng pamilya nila.
Saad ni Harry sa post niya, “This morning at 6:48 AM, Lexi and my life became immeasurably brighter. We have the pleasure of welcoming Charlotte ‘Lottie’ Cordingley into our lives and introducing her to you all.”
Congratulations, Maritoni! Welcome to the wonderful world of grandparenthood.
‘Yun lang, and I thank you.








Comments