top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Mathelus, bida sa 3-1 win ng 'Pinas vs. Guam sa AFC U-17

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 24, 2023
2 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | April 24, 2023




Nagpakilala sa kanyang bihirang “hat trick” o tatlong goal si midfielder Nina Mathelus sa 3-1 panalo ng Philippine Women’s Football National Team kontra host Guam sa pagbubukas ng 2024 AFC Under-17 Women’s Asian Cup Qualifiers sa Guam Football Association National Training Center Sabado ng gabi.


Naitala ni Mathelus ang una sa ika-29 minuto kung saan tumanggap siya ng bola malapit sa goal at sumugod sa kanya ang goalkeeper ng Guam Sierra Ruehl. Pumihit siya at sumipa sa biglang walang-bantay na goal para maging 1-0.


Dinoble niya ang lamang sa pangalawang goal sa ika-47 minuto subalit nagbanta ang Guam at lumapit matapos ang free kick ni forward Melia Kukahiko sa ika-71. Sinigurado ni Mathelus ang tagumpay at inagaw niya ang mahinang pasa para mabuo ang hat trick sa ika-76 minuto.


Si Mathelus ay 14-anyos lang, isa sa pinakabata sa buong kompetisyon at may taas na 5’7”. Pinili niya na katawanin ang Pilipinas na bansa ng kanyang nanay na si Sharon Agsalda kahit may mga alok ang Haiti na bansa ng kanyang tatay na si Ricardo at U.S. kung saan hinubog ang kanyang talento sa Scorpions SC sa estado ng Massachusetts.


Susunod para sa Filipinas ang Lebanon sa Miyerkules sa parehong palaruan simula 5 p.m. ang huling araw ng aksiyon sa Grupo G. Bago niyan, magtatapat ang Guam at Lebanon sa Lunes.


Ang iba pang miyembro ng pambansang koponan ay sina Eurish Leones, Ariana Markey, Sophia Saludares, Isabella Alamo, Kenzie Thomson, Maxine Pascual, Nathaly Sumoba, Clara Estiandan, Luna Rivera, Louraine Evangelista, Shien Payag, KC Lyn de Vera, Anna Medalla, Samantha Hughes, Jelena Pido, Ushin Valencia, Tea Pidding, Mikayla Noble, Isabella Preston, Adrielle Salvador at Jelena Soon. Si Coach Alen Stajcic ang head coach.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page