MATET, IPINAKILALA NA NI NORA SA MGA KAMAG-ANAK SA BICOL
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | May 23, 2022

Simple pero masaya at memorable ang naging 69th birthday celebration ng one and only Superstar na si Nora Aunor noong May 21.
Kasama niya ang anak na si Matet de Leon sa kanyang hometown sa Iriga City, Camarines Sur. Five days silang namalagi sa Bikol at ipinakilala ni Aunor si Matet sa kanilang mga kamag-anak sa probinsiya. Ipinakita rin ni Nora kay Matet ang kanilang palayan sa Iriga.
Pagbalik nila sa Maynila, isang simpleng salu-salo naman ang inihanda ni Aunor at dumating ang iba pang anak ng Superstar na sina Ian, Kenneth at Kiko kasama ang kani-kanilang pamilya.
Kitang-kita ang labis na kaligayahan ni Aunor sa ipinost na mga larawan ni Matet na kuha sa kanilang family bonding noong kaarawan ng Superstar. Hindi nga mapapantayan ng kahit na anong materyal na regalo ang pagsasama-sama nilang mag-anak sa kanyang 69th birthday.
Lubos ang kanyang pasasalamat sa Diyos dahil kapiling niya ang kanyang mga mahal sa buhay. Wala na siyang mahihiling pa.





Comments