Matapos mag-solo noon… SUGAR, TINANGGAP ULI NG SEXBOMB GIRLS
- BULGAR

- 9 hours ago
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | February 26, 2026

Photo: Sugar Mercado / File
Marami ang natutuwa na muling tinanggap si Sugar Mercado bilang isa sa mga Sexbomb Girls.
Matagal siyang nahiwalay sa original na grupo at nag-solo. Naging co-host din siya noon sa game show ni Willie Revillame na Wowowin.
Ngayon, habang nagbabalik ang ningning at kasikatan ng Sexbomb, welcome pa rin sa grupo si Sugar. Marami silang offers ngayon upang mag-show abroad. Gusto silang makitang muli ng mga kababayan natin sa United States of America (USA), Middle East, Canada, Australia, atbp..
Pero si Sugar Mercado ay hindi makakasama sa world tour ng Sexbomb Girls dahil committed siya sa Stars On The Floor (SOTF), at isa siya sa mga makikipag-showdown sa ibang kalahok.
DUMAGSA ang mga nakiramay sa huling gabi ng lamay ng Lola May ni Mariel Rodriguez sa Heritage Chapel sa Taguig.
Magkasamang dumating sina Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano. Naroroon din sina Amy Perez at Nadia Montenegro, pati na sina Sen. Camille Villar at Ruffa Gutierrez.
Kasabayan pala ni Lola May sina Dulce at Sampaguita na nagpunta rin sa lamay.
Bilang pamamaalam kay Lola May, nag-alay ng ilang awitin si Dulce bago pa iuwi ni Mariel ang urn ng kanyang lola.
Si Sen. Robin Padilla ay full support sa pagdamay kay Mariel sa pagpanaw ni Lola May. Ang mag-asawa rin ang personal na nag-asikaso sa lamay at sa mga nakiramay.
Malaking kawalan para kay Mariel ang pagpanaw ng kanyang lola na kasama niya habang siya ay lumalaki. Ito rin ang number one fan niya na nagbigay sa kanya ng payo para makamit ang kanyang mga pangarap sa career.
Ang lola ni Mariel Rodriguez ay dating sikat na singer, kilala sa pangalang May Villarica.
MARAMI ang nagtatanong kung career move ba ang paglipat ni Rita Daniela sa Viva Artist Management. Labing-isang taon siyang nasa pangangalaga ng Sparkle GMA Artist Center at nabigyan ng magandang exposure at mga shows tulad ng My Special Tatay (MST), One of the Baes (OOTB), at Dakilang Ikaw (DI).
Regular din siyang napapanood sa All-Out Sundays (AOS) at madalas isama sa mga regional shows.
Kaya bagama’t nakakagulat ang desisyon ni Rita na iwan ang Sparkle GMA Artist Center, maaaring marami pa siyang gustong gawin para sa kanyang career, lalo na ngayon na may anak siya na dapat itaguyod.
Sa Viva Artists Agency, mabibigyan siya ng chance na ma-explore pa ang kanyang kakayahan bilang singer at performer.
KAPANSIN-PANSIN ang bagong hairstyle ngayon ng Kapuso actress na si Ashley Ortega. Gaya raw ito sa pinausong estilo ni Kaila Estrada na tinutularan ng ilang kabataan.
Ngunit paliwanag ni Ashley, bahagi ito ng kanyang character sa bagong serye ng GMA-7, ang Apoy sa Dugo (ASD). Gustuhin man niyang baguhin, hindi puwede dahil kailangan sa kanyang role ang bagong hairstyle.
Mula’t sapul ay hindi api-apihan ang role ni Ashley sa kanyang mga serye. Malakas ang kanyang personalidad kaya madalas ay offbeat at palaban ang kanyang mga role.
Sila ni Elle Villanueva ang nasa major cast ng Apoy sa Dugo, kasama si Derrick Monasterio.




Comments