Matapos kumanta sa Senate Blue Ribbon Committee… Alcantara, nakaramdam ng takot para sa sarili
- BULGAR
- 2 days ago
- 1 min read
by Info @News | September 23, 2025

Photo: Engr. Henry Alcantara sa Senate Blue Ribbon Committee hearing / Senate of the Philippines
Takot umano ang nararamdaman ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) District Engineer Henry Alcantara matapos magsiwalat ng umano’y katotohanan sa isyu ng maanomalyang flood control projects sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ngayong Martes, Setyembre 23.
Kasunod ito ng pangangamusta ni Sen. Francis ‘Kiko’ Pangilinan kung kamusta ang pakiramdam ni Alcantara matapos ibunyag ang katotohanan.
“Kumusta ang pakiramdam mo pagkatapos mong isiwalat ‘yung katotohanan? May agam-agam?” ayon kay Pangilinan.
“Takot po,” sagot ni Alcantara.
“Pero, pakiramdam mo, gumaan ba kahit papaano ‘yung dala-dala mong saloobin?” muling tanong ni Pangilinan.
“Opo,” saad ni Alcantara.
Naging matapang iyon ni Alcantara na aminin ang tunay niyang nararamdaman. Hindi ko siya masisisi dahil sa takot, Pips NYT ngunit sinasabi rin nito na gumaan ang pakiramdam niya pagkatapos magsalita. Sana lang ay makakuha siya ng tamang proteksyon at hindi masayang ang kanyang mga salita.