Matapos ibulgar ng mga Discaya… Rep. Diokno, hinamon ang mga nadawit na ilabas ang SALN, i-waive ang bank secrecy
- BULGAR
- 22 hours ago
- 1 min read
by Info @News | September 8, 2025

Photo: Chel Diokno - Senate PH
Hinamon ni Akbayan Partylist Rep. Chel Diokno ang mga miyembro ng House of Representatives at mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na idinawit ng mag-asawang Discaya na ilatag ang kanilang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).
Nanawagan din si Diokno sa nasabing mga opisyal na pumirma sa waivers sa bank secrecy para malinis ang kanilang mga pangalan sa mga alegasyon ng katiwalian nina Sarah at Curlee Discaya.
“Sa mga pagbubunyag nitong umaga sa Senado, hinahamon natin ang lahat ng nadawit — mga tauhan at opisyal ng DPWH, pati na rin ang ilang mambabatas — na ipakita ang kanilang SALN at lumagda ng waiver sa bank secrecy para sa ganap na transparency,” ani Diokno.
Hinikayat din nito ang ibang kontratista at opisyales na lumantad at isiwalat ang kanilang nalalaman tungkol sa mga iregularidad.
“Dapat mapanagot ang mga nasa likod nito, pati na ang kanilang mga kasabwat. Hindi tayo papayag na may makakalusot,” dagdag nito.
Comments