Matapos ang pagkamatay ng rider… E-wallet para sa ayuda payout, tinitingnan ng DSWD
- BULGAR

- 10 hours ago
- 1 min read
ni Lester Bautista @News | April 20, 2026

Photo: File / DSWD
Kinokonsidera ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang paggamit ng mga digital payment system para sa pamamahagi ng cash aid kasunod ng pagkamatay ng isang rider sa isang payout activity sa Quezon City nitong Sabado Abril 18.
“Meron na tayong ginagawa na konsultasyon para sa adoption naman ng mga digital systems kasi nakikita naman natin 'yung value ng pag-adopt ng mga electronic wallets,” ani DSWD Spokesperson Irene Dumlao sa isang panayam.
Dagdag ni Dumlao, isinasaalang-alang ito dahil ayaw anilang pumila ang mga vulnerable sectors lalo na ngayong mainit ang panahon.
Bukod sa pag-iwas sa mga casualties, layunin din ng hakbang na ito na mabawasan ang mga operational at administrative costs.
Nauna nang binisita at kinausap ni DSWD Sec. Rex Gatchalian ang pamilya ng rider kung saan nangako itong magbibigay sila ng tulong sa pamilya nito para sa mga gastusin sa ospital, burol, libing at iba pa.




Comments