Matapos ang magnitude 7 na lindol... P-BBM, lilipad patungong Abra
ni Lolet Abania | July 27, 2022

Lilipad patungong Abra si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos ang magnitude 7 na lindol na tumama sa lalawigan ngayong Miyerkules ng umaga.
“He will immediately fly to the area as soon as the all clear is given,” pahayag ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa isang press briefing.
“He will make an inspection of the disaster areas as soon as he’s given the all clear, as long as it is safe for him to travel to do so,” sabi ni Cruz-Angeles.
Ayon sa opisyal, ang Pangulong ay kasalukuyang nakikipag-coordinate sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), gayundin sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) makaraan ang pagyanig habang inatasan ang mga itong magpadala ng agarang dispatch at relief teams sa Abra.
"He also calls on the telcos to provide immediate assistance and free communications to all locations where towers have gone down to keep these communications open," dagdag pa ni Cruz-Angeles.
Ayon sa PHIVOLCS, ang lindol (na naunang nai-report na magnitude 7.3) ay naitala ng alas-8:43 ng umaga at matatagpuan sa 17.64°N, 120.63°E - 003 km N 45° W ng Tayum sa Abra, habang may lalim ito na 17 kilometro.
Kaugnay nito, ayon kay Cruz-Angeles maayos ang kalagayan ng Pangulo at kanyang pamilya matapos ang lindol.
Sa ngayon aniya, nakatuon ang Pangulo sa disaster relief at response para sa mga biktima ng lindol.
"Ngayon pa lang po dumadating 'yung feedback natin about the extent of damage in certain areas, so the President will put this as his priority, and most likely might cancel certain appointments," saad ni Cruz-Angeles.
"He will go to all those areas where it is necessary, that his presence will be necessary.
We will keep updating you as things develop," sabi niya.
Sa isang tweet, tiniyak ni Pangulong Marcos sa publiko na gagawin ng mga ahensiya ng gobyerno ang lahat upang maibigay ang kinakailangang tulong lalo na sa mga apektado ng lindol.
“Sa aking mga kababayan lalo na sa Abra, maging alerto tayo at lumapit sa mga opisyal ng gobyerno kung kailangan niyo ng tulong,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“Magkaisa tayong bumangon mula sa pagsubok na ito,” dagdag ng Pangulo.
Sa hiwalay na statement, sinabi ni Abra Representative Ching Bernos, “[The quake] caused damages to many households and establishments [in the province].”
"We are monitoring the situation on the ground and gathering information on the extent of the damage to the province," saad pa ni Bernos.





Comments