top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Matapos ang 8 buwan, TVJ, kinanta muli ang EB theme song

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 6, 2024
  • 2 min read

ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | January 6, 2024




Matapos ang halos walong buwan, kumanta muli ang mga television host na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon ng theme song ng kanilang noontime show na "Eat Bulaga" ngayong Sabado.


Masayang kinanta nina Tito, Vic, at Joey ang theme song habang nakasuot ng mga pulang damit na may "Eat Bulaga!" prints, kasama ang iba pang co-hosts ng sikat na noontime show.


"Magandang simula ito sa pagharap sa ating bagong taon," panimula ni Tito sa show.


Sumunod naman sa panimula si Vic na nagsabing, "Eto naman po ay hindi laban sa pamagat o title. Laban po ito para sa programang minahal namin at minahal ninyong lahat. Sa naging decision ng korte, makakapagpatuloy pa rin naman ang lahat sa paghahatid ng kasayahan sa mga manonood sa patas at payapang paraan."


Noong ika-31 ng Mayo 2023, nagpaalam ang TVJ at iba pang miyembro ng palabas sa kanilang mga tagahanga sa GMA Network matapos ang mga isyu sa bagong pamunuan ng TAPE Inc., ang producer ng longest-running noontime program.


Sa ika-7 ng Hunyo 2023, inanunsiyo ng MediaQuest na natagpuan ng TVJ ang bagong tahanan sa TV5. Nagsimula ang palabas na mapanood nang live sa Kapatid Network sa ilalim ng pangalang "E.A.T." noong Hulyo 7.


Ipinag-utos ng Marikina Regional Trial Court Branch 273 na itigil ng Television and Production Exponents Inc. (TAPE) at GMA-7 ang paggamit ng mga trademark na "EB," "Eat Bulaga," at ang Eat Bulaga jingle sa kanilang mga palabas, matapos aprubahan ng RTC ang petisyon ng TVJ sa kanilang kaso ukol sa copyright case.


Sa isang desisyon na may petsang Disyembre 22, 2023, na natanggap ng mga abogado ng TVJ mula sa DivinaLaw noong Enero 5, pinagbigyan ng Marikina City ang reklamo ng TVJ laban sa TAPE.


“As such, the court prohibited TAPE and GMA from using the trademarks ‘EB’ and ‘Eat Bulaga’, the Eat Bulaga jingle, from its shows,” saad sa hatol.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page