top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Matapos ang 37 taon, bronze ang Women's Nat'l Football

BULGAR
May 25, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | May 25, 2022



Tumanggap man ng malaking aral ang Pilipinas at nanaig sa kanila ang Thailand, 3-0, sa semifinals ng Women’s Football Tournament ng 31st Southeast Asian Games Miyerkules ng gabi sa Cam Pha Stadium ng Qua Ninh, Vietnam, nakamit naman nila ang medalya na inaasam ng bansa sa biennial meet sa 37 taon ang nakalipas dahil kasaysayan sa women's national football ang kanilang hatid.

Maaga pa lang ay binutas na ni kapitana Silawan Intamee ang depensa para sa unang goal sa ika-22 minuto. Muntik na maitabla ng Filipinas ang laban subalit naharang ang malapitang sipa ni Quinley Quezada galing sa free kick ni kapitana Tahnai Annis sa ika-27 minuto.

Nagbalasa ng manlalaro si Coach Alen Stajcic upang sakaling malikha ng milagro subalit hindi ito dumating. Kinumpleto ni Ploychompoo Somnonk ang dominasyon ng Thailand at humirit ng isa pang goal sa ika-91 minuto.

Makaraan nito ay nasungkit ng Filipinas ang tanso laban sa Myanmar na tinalo ng host at defending champion Vietnam sa kanilang semifinal, 1-0. Umiskor nang goals sina Sarina Bolden at Quinley Quezada sa unang 3 minuto para sa panalo.

Pinuri ni coach Alen Stajcic ang team, "It was the best performance we had in this tournament. We showed amazing heart and spirit to the death to get the win. It was a performance to be proud of."

Nagtabla ang Myanmar at Pilipinas, 0-0, sa group stage ng 2019 SEA Games sa Binan, Laguna. Bumawi ang mga Burmese at binigo ang mga host para sa tanso, 2-1, sa Rizal Memorial Stadium.

Sa wakas, nakamit ng Pinay ang pangalawa nilang tanso matapos ang 1985 na unang pagkakataon na ginanap ang Women’s Football. Tatlong bansa lang ang lumahok noon kung saan ginto ang host Thailand at pilak ang Singapore.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page