Matalinong pagboto, iwas gutom
by Info @Editorial | July 13, 2024

Ngayon pa lang ay ramdam na ang papalapit na halalan. May mga nagpapapansin at meron ding nagbabanatan na.
Samantala, umabot na sa 4.36 milyon ang bilang ng mga bagong botante na naghain ng kanilang registration sa Commission on Elections (Comelec) mula nang binuksan ang voter registration noong Pebrero.
Mas marami sa mga bagong botante ay mga babae na umabot sa mahigit 2.2M habang 2.1M lamang ang mga lalaki.
Nananatili naman ang CALABARZON Region (R4A) na may pinakamaraming bilang ng mga bagong botante – 742,925. Sinundan ito ng National Capital Region na may 603,496 registrants. Pangatlo ang Central Luzon na may 510,503 applicants; pang-apat ang Davao Region na may 255,213 habang panglima ang Central Visayas na may 230,946.
Nananatili naman ang Cordillera Administrative Region (CAR) na may pinakamababang bilang ng mga bagong botante na umabot lamang sa 57,709 dahil sa pinakamababang populasyon kumpara sa iba pang mga rehiyon sa bansa. Maliban dito, maraming mga Cordilleran ang nag-aaral sa Cagayan Valley at Ilocos Region na pinipiling magrehistro at bumoto na lamang dito kaysa bumalik sa kanilang mga lugar.
Hanggang sa Setyembre pa ang registration, kaya puwede pang humabol at maging bahagi ng pagbabago.
Kaugnay nito, umaasa tayo na magiging mas matalino pa tayo sa pagpili ng mga kandidato. Huwag nating ipagpalit sa pera ang isang boto na magtatawid sa atin sa maayos na pamumuhay.
Nakita na natin ang iba’t ibang anyo ng mga kandidato, talagang may mga bulok na nakakalusot kaya dapat na maging mas maingat at wais sa pagpili.



Comments