top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Matagal at mahabang proseso ng pagkuha ng permit, stop!

  • BULGAR
  • Nov 11, 2022
  • 1 min read

@Editorial | November 11, 2022


Isa sa mga nagpapabagal sa pag-unlad ng bansa ay ang mahabang proseso sa pagtatayo ng negosyo.


Maraming gustong mamuhunan pero bago pa makapagsimula ay pagod na sa kalalakad ng dokumento at grabe na ang gastos.


Katulad ng mga nasa shipping industry ngayon na problema sa pagkuha ng permit mula sa gobyerno.


Bilang tugon, plano na ng pamahalaan na bumuo ng business one-stop shop o BOSS para mapabilis ang pagproseso ng mga permit.


Ayon sa Anti-Red Tape Authority (ARTA), ito ang kanilang nakikitang solusyon para mapabilis ang paglalabas ng mga permit at maisasakatuparan ito sa tulong na rin ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.


Sa mga susunod na araw magkakaroon umano ng memorandum of Agreement (MOA) para bumuo ng technical working group (TWG) na tatalakay sa nasabing usapin.


Hindi lang malalaking kumpanya ang umaaray sa mabagal na pagproseso ng permit kundi maging ang mga hindi naman kalakihan.


Sa bagal at haba ng sistema, nagkalat ang mga fixer at ang walang kamatayang 'pa-meryenda'.


Hindi ito ang normal at lalong hindi ito ang tamang sistema. Huwag tayong magpabiktima.


Sa halip na mas mapagastos ang mga naghahangad lang na magnegosyo at makapagbigay ng hanapbuhay sa iba, baka naman puwedeng aksyunan na ng gobyerno ang matagal nang problema sa red tape.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page