top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Mataas na presyo ng Sinovac, fake news!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 19, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | January 19, 2021



DAPAT SI P-DUTERTE ANG UNANG MAGPABAKUNA NG SINOVAC—Dahil takot ang karamihan sa ating mga kababayan na magpabakuna ng Sinovac na made in China, pinayuhan nina VP Leni Robredo at Dr. Tony Leachon si P-Duterte na una itong magpabakuna para makumbinse ang mamamayan.


Dapat lang Pangulo ang mauna tulad nang ginawa ng lider ng iba’t ibang bansa, sila ang nauunang magpabakuna para hikayatin ang kanilang mamamayan na magpaturok na rin ng bakunang pangontra sa COVID-19, period!


◘◘◘


HIGIT 1 BUWANG BINABATIKOS ANG OVERPRICED NA SINOVAC, NGAYON LANG SINABI NI ROQUE NA FAKE NEWS ANG PRESYO NITO—Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, fake news lang ang nabalitang P3,629,50 ang presyo ng kada dose ng bakunang Sinovac, dahil ang totoong presyo lang nito ay kasinghalaga ng bili ng Indonesia na P650.


Pambihira, eh, higit isang buwan nang binabatikos ng mamamayan ang halagang ‘yan ng Sinovac, tapos ngayon lang sasabihin ni Roque na fake news? Boom!


◘◘◘


IMBESTIGAHAN KUNG SINO ANG NAGPATONG NG P3-K KADA DOSE NG BAKUNANG SINOVAC—Ang nagsapubliko ng presyo ng mga bakuna ay si Sen. Sonny Angara, at ayon sa kanya ay DOH ang nagsumite sa Senado ng mga halagang ito, at nakasaad nga na P3, 629.50 ang preso ng Sinovac.


Sa isyung ito, ang dapat gawin ngayon ng Senado ay imbestigahan kung sino ang nagpatong ng halos P3-K sa presyo ng Sinovac.


Sa totoo lang, kung hindi pa nabalita sa mundo na P650 lang ang bili ng Indonesia sa Sinovac ay hindi pa aamin ang Malacañang, sa pamamagitan ni Roque, na P650 lang ang totoong presyo nito, period!


◘◘◘


SA GITNA NG PANDEMYA, MAY MGA NAGNANAIS PANG MANGURAKOT SA PAMBILI NG BAKUNA PARA SA MGA PINOY—Paniwala ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson ay may mga nagnanais maka-kickback sa pagbili ng bakunang Sinovac.


Kung sinuman ang mga gustong magka-kickback sa pagbili ng bakuna, eh, sobrang bad naman ng mga ‘yan kasi sa gitna ng pandemya, hindi pa humuhupa ang COVID at nakapasok na rin sa bansa ang bagong variant, tapos ang nasa isip ng mga “buwaya” sa pamahalaan ay magka-kickback pa sa pondong pambili ng bakuna para sa sambayanang Pinoy, mga buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page