top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mataas na presyo ng pangunahing bilihin, aksyunan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 24, 2024
  • 1 min read

by Info @Editorial | July 24, 2024



Editorial

Ang mataas na presyo ng mga bilihin ang nananatiling pangunahing suliranin ng taumbayan.


Mula noon hanggang ngayon, ang panawagan ng mamamayan lalo na ng mga mahihirap ay ang makontrol na sana ng gobyerno ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.


Batay sa resulta ng isang pag-aaral na inilabas isang araw bago ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., 65% ng mga respondents ang pumili sa inflation o taas-presyo bilang Top 3 sa mga pangunahing alalahanin na dapat tugunan ng pamahalaan sa kasalukuyan. Ito ay halos kapareho lamang ng 65% na nakuha nito noong nakalipas na survey noong March 2024.


Kung ibabase sa socio-economic classes, ito rin ay pinili ng mga respondents bilang ‘most urgent national concern’. Bukod sa taas-presyo, hangad din ng mamamayan ang murang pagkain tulad ng bigas, gulay at karne.


Kaugnay nito, sa mismong SONA ng Pangulo, aminado ito na bagama’t maganda ang mga estadistikang lumalabas, wala itong kabuluhan sa mamamayan na hinaharap ang katotohanan na mataas talaga ang presyo ng mga bilihin lalo na ang pagkain tulad ng bigas.


Hindi tuloy maiwasang ma-kumusta ang ipinangako ng Pangulo na P20 na bigas.

Ngayong natapos na ang ikatlong SONA, umaasa tayo na darating din ang panahon na hindi man tuluyang maresolba ang problema sa presyo ng bilihin, sana man lang ay magkaroon na ng kakayahan ang lahat na makasabay at nang maiwasan ang gutom.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page