Mataas na bilang ng Pinoy na may high blood, malalang pandemya kaysa COVID-19
- BULGAR
- Jul 8, 2021
- 2 min read
ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | July 08, 2021
Mas malalang pandemya pa kaysa sa COVID-19 ang tumataas na bilang ng mga Pinoy na may hypertension o alta-presyon, ang sabi ng Philippine Heart Association.
Ayon sa Presyon 4-Nationwide 2021 Hypertension Survey, tumaas na sa 37 percent ang prevalence rate ng hypertension sa bansa.
Ito ang pinakamataas na naitala mula 1992.
May 2,796 Pilipino mula sa 12 rehiyon, kasama ang Metro Manila ang lumahok sa naturang survey.
Nag-interview ng 2, 796 adults (18 years old and above) at 641 bata (12 -18 years old) na kabilang sa pediatric population para sa Presyon Survey.
☻☻☻
Ang nakababahala sa isyu ng hypertension ay ang mababang awareness, treatment profile, compliance, at control rate sa ating mga kababayan.
Dahil dito, isa sa mga leading cause of death ang hypertension sa bansa.
☻☻☻
Ayon sa PHA, pare-pareho ang katangian ng mga may alta-presyon anumang gulang nila.
Bata man o matanda, ang mga hypertensive ay may mas mataas na BMI (body mass index), waist circumference, at central obesity rate.
Nananawagan ang PHA sa mga kababayan natin na lumahok sa “52100” na adbokasya nito para matugunan ang hypertension: 5 servings of fruits and vegetables, 2 hours of screen time, 1 hour of moderate physical activity, 0 sugary and sweetened beverages, and 0 smoking and secondhand smoke.
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.
Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay





Comments