Mata at ilong kahit ibang-iba na ang hitsura… YASSI, TODO-DIIN NA WALA PA RING IPINARETOKE SA MUKHA
- BULGAR
- Apr 2
- 3 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | Apr. 2, 2025
Photo: Yassi Pressman - IG
Sinagot na ni Yassi Pressman ang mainit na pinag-uusapang retoke isyu niya.
Wala raw siyang ipinaretoke at hindi totoo ang tsismis tungkol dito.
Pero makukulit ang mga netizens sa pag-elaborate ng mga nabago sa mukha ng magandang aktres, partikular nga rito ang ilong na tila nag-iba ang shape. Though may mga experts naman sa pagme-make-up na nagsasabing napakadaling ma-achieve via make-up ang ganu’ng look.
May mga nagsasabing may naiba sa mga mata ni Yassi, lalo’t before raw ay very expressive na ang mga ito.
“Now kasi, mas naging matapang. Very Latina at nag-iba ‘yung glow,” sey pa ng netizen.
Pati ang hugis-bigas daw na mukha ni Yassi ay naiba, plus iba pang pagbabagong idinenay na nga ng aktres dahil very natural pa rin daw ang lahat sa kanya.
Basta ang alam ng mga taga-Camarines Sur, hindi nagbabago ang pagtatangi nito sa kanyang BF na tumatakbong governor ng probinsiya. Hindi lang pagkain at ugaling Bikol ang pinag-aaralan ni Yassi Pressman dahil kahit bulol na bulol na raw ito ay maganda pa ring nabibigkas ang mga salitang Bikol.
‘Di raw maintindihan ng Miss U… GLORIA, AYAW NG NAG-IINGLES NA KALAHOK SA BEAUTY PAGEANT
ISA talaga si Gloria Diaz sa iilang mga showbiz icons na masarap kausap, very consistent at walang filter ang mga sagot, ‘ika nga.
Imagine, since 1969 pa nang manalo siyang Miss Universe (MU) at kahit mayroon nang mga Pinay na sumunod sa yapak niya, siya pa rin ang original beauty and brains, witty and naughty at the same time.
Sang-ayon kami sa obserbasyon niya about our beauty pageants nowadays na “trained” o aral na aral ang lahat. Mula make-up, buhok, paglakad, pag-ikot, hanggang sa mga dramang tapilok o nadulas, at sa mga pagsagot sa mga Q&A na akala mo nga ay labanan ng mga genius. Hahaha!
“Hindi na natural, eh. But I understand naman kasi nga dapat nag-e-evolve rin. Kaya lang, parang people tend to focus more on those things gaya ng pag-Ingles-Ingles na sagot na minsan, ako, ‘pag nag-judge ay hindi ko na maintindihan. Mas appreciated ko pa nga ‘pag Tagalog o Bisaya, dahil nandu’n ang puso,” kuwento pa ni Miss U (tawag ng lahat sa kanya).
Naku, sa dami ng magagandang nai-share ni Ms. Glo, ang sarap-sarap niyang isulat, lalo’t aminado rin itong Marites pagdating sa tsismisan. Hahaha!
Sa bagong movie ni Glo na Untold, siya ang gumaganap na nanay ni Jodi Sta. Maria. Matagal na panahon na nang huli silang magkasama, kaya’t mas naging espesyal sa dalawa ang horror movie na may kakaibang kuwento.
“Nu’ng ginawa ko ang Mallari, sabi ko, tama na muna ang horror. But how can I say no to Untold with Jodi and Direk Derrick (Cabrido) na nabigyan pa ako ng award as manananggal sa Mallari?” hirit pa ni Ms. U.
Sa April 30 na mapapanood sa mga sinehan ang Regal Entertainment movie na ito na pinagbibidahan din nina Joem Bascon, Lianne Valentin, Sarah Edwards, Kaori Oinuma at Juan Karlos.
Prangkahan na ‘to, Barbie!
DAVID, KILIG NA KILIG SA KANILA NI KATHRYN
DAHIL inamin ng nanay ni David Licauco na dream ng Kapuso actor na makasama si Kathryn Bernardo sa isang movie, biglang nagkuwento na rin si David.
Since bata pa pala ito ay nasubaybayan na ni David ang career ni Kath at napanood nito halos ang lahat ng mga TV and movie projects ng dalaga.
Kumbaga, sa halos sabay nilang pag-mature ay idolo na ni David si Kath na isa rin sa mga rason pala kung bakit naengganyo itong mag-artista.
Dahil nga sa brief encounter nila during the Body of Work fashion event, marami ang nakapuna na tila may chemistry umano ang dalawa based sa body language nila.
Kilig na kilig daw si David sa mga naglabasang tsika tungkol dito kaya ayan, siya na itong nagma-manifest na soon ay magkaroon sila ng project ni Kath.
Just proving na si Kathryn nga ang most sought-after leading lady sa showbiz ngayon.
Teka lang, paano kaya magre-react ang BarDa (Barbie at David) fans dito o mismong si Barbie Forteza na balitang hulog na hulog na rin ang loob kay David Licauco?
Comments