top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Masyadong feeling ‘kingmaker’ si Mayor Sara

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 21, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | January 21 2022



MAYOR SARA, FEELING ‘KINGMAKER’–Matapos i-endorso ni vice-presidential candidate, Mayor Sara Duterte-Carpio ang kandidatura for senator ni dating Defense Sec. Gibo Teodoro, tiniyak ng presidential daughter na mananalo ito sa halalan at magiging senador.


Hanep si Mayor Sara, masyadong feeling ‘kingmaker’, boom!


◘◘◘



MASAKLAP KAPAG NANALO SI GIBO, TAPOS NATALO SI MAYOR SARA–Hindi dapat nagsasalita nang tapos si Mayor Sara na surewin si Gibo kasi sa totoo lang, maging siya ay hindi rin tiyak na mananalo bilang bise-presidente, lalo na’t ang paniniwala ng mayoryang Pinoy ay fake ang mga naglalabasang survey kaugnay sa national elections.


Kaya nasasabing fake ang mga survey ay dahil mataas nga ang markang ibinibigay ng mga ito sa kanya, pero pagdating sa mock polls at survey sa Twitter, palagi siyang olats.


Kaya’t masaklap na mananalo si Gibo, pero pagkatalo naman ang aabutin ni Mayor Sara sa pagka-VP, ha-ha-ha!

◘◘◘


HINDI PA NGA NAG-I-START ANG NATIONAL AT LOCAL ELECTIONS, GUSTO AGAD NI CONG. ALMARIO I-POSTPONE NA BGY. AT SK ELECTIONS–Kinontra ni Vice-Pres. Leni Robredo ang hirit ni Davao Oriental Rep. Joel Almario na muling ipagpaliban ang barangay at SK elections sa December 2022. Ayon sa bise-presidente, karapatan ng mamamayan na pumili at maghalalal ng mga nais nilang mamuno sa kanilang barangay.


Hay naku, ewan ba rito kay Cong. Almario kung ano ang naisipan at gustong ipagpaliban ulit ang barangay at SK election.


Mantakin n’yo, hindi pa nga nag-i-start ang national at local elections na mag-uumpisa pa lang sa Feb. 8, 2022 at matatapos sa May 9, 2022, eh, ang gusto ng congressman, ipagpaliban agad ang barangay at SK elections, pwe!


◘◘◘


HIRIT NI CONG. ALMARIO NA PAGPAPALIBAN NG BGY. AT ELECTIONS, PANINIPSIP SA MGA BGY. OFFICIALS–Ang hirit ni Cong. Almario na ipagpaliban ang barangay at SK elections ay paninipsip lang sa mga incumbent barangay officials sapagkat re-electionist congressman si Cong. Almario.


Tiyak na natuwa sa kanya ang mga incumbent barangay officials, pero ang tanong: natuwa rin naman kaya sa kanya ang mga residente ng mga barangay sa kanyang nasasakupan, lalo na ang mamamayan na gustong mag-eleksiyon na sa barangay at SK para palitan mga namumuno sa kanilang mga barangay.


Kung inaakala ni Cong. Almario na surewin siya dahil natuwa sa kanya ang mga inciument barangay officials ay nagkakamali siya kasi kapag ibinasura siya ng mga residente sa mga barangay sa Davao Oriental, tiyak na pagkatalo ang kanyang aabutin, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page