Masyado raw maselan... CRISTY KAY DOMINIC: LUMAYAS KA SA SHOWBIZ

ni Angela Fernando - Trainee @News | February 25, 2024

Sa latest episode ng "Showbiz Now Na," muling inusisa ni Cristy Fermin ang canceled engagement nina Bea Alonzo at Dominic Roque.
Bago itinuloy ni Cristy ang kanyang chika, hindi nito kinalimutang muling kastiguhin si Dominic at nagpaabot din siya ng mensahe para rito.
Hirit ni Cristy kay Dominic, kung ayaw daw nitong makarinig ng mga kwento tungkol sa kanilang mga buhay ay libre itong umalis ng showbiz.
Sey niya, "Naku. Eto na naman, nagkukuwento na naman kami, baka pasulatan mo na naman kami Dominic Roque sa abogado mo?"
"Eto'y malaya naming sinasabi dahil ito ang kwento ng bayan. Dapat nakahanda ang mga tenga ninyo sa pakikinig kung ano ang kwento ng bayan. Kung ayaw n'yong merong marinig, umalis kayo sa showbiz. Ganu'n lang kasimple 'yun," dagdag nito.
Matatandaang kamakailan ay ibinulgar ni Cristy ang patungkol sa paglapit ni Dominic sa kanyang abogado para sa mga tsikang ikinakalat ng showbiz columnist.
Matapang ding sinabi ni Cristy na sensitibo at maselan daw masyado ang aktor.





Comments