top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Masusing pag-aaral sa bakuna vs. dengue, plis lang!

BULGAR
Jul 18, 2022
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | July 18, 2022


Kasabay ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng dinadapuan ng sakit sa buong bansa, mahigit 20 bakuna kontra dengue ang pinag-aaralan ng Department of Health (DOH).


Ayon kay Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, nasa emergency medicine list ng World Health Organization (WHO) ang 23 bakuna laban sa dengue.


Gayunman, hindi binanggit ng opisyal kung kasama rito ang kontrobersyal na Dengvaxia na isinusulong ng ilang health sector.


Ngunit matatandaang kamakailan ay sinabi ni Vergeire na isa sa mga ikinokonsiera nila ang Dengvaxia, ngunit kailangan nitong sumailalim muli sa masusing pag-aaral.


Base sa datos, nasa kabuuang 64,747 kaso ng dengue na ang naitala mula Enero 1 hanggang Hunyo 25. Bagay na mas mataas nang 90% kumpara sa naiulat na 34,074 sa kaparehong panahon noong 2021.


Sa totoo lang, nakakaalarma ang pagdami ng naitatalang dengue cases sa bansa, lalo pa’t kadalasang tinatamaan nito ay mga bata.


Gayunman, nauunawaan natin ang kagustuhan ng pamahalaan na magbigay ng gamot kontra dengue, pero bago ang lahat, sana’y masusing mapag-aralan ang mga magiging epekto nito sa mga target mabakunahan. Isa pa, dapat may full approval ng Food and Drug Administration (FDA) bago ang rollout ng bakuna.


Batid nating may takot pa rin sa panig ng mga magulang dahil sa kontrobersyal na Dengvaxia, kaya asahan nating hindi magiging madali ang pagtuturok nito.


Gayunman, habang wala pang bakuna laban sa dengue, ang tanging magagawa natin ay panatilihing malinis ang ating paligid at ‘wag ipagsawalang-bahala ang mga sintomas ng sakit.


Isa pang hiling sa mga lokal na pamahalaan, ipagpatuloy lamang ang mga hakbang kontra dengue, tulad ng cleanup-drive at fogging sa mga hotspot areas.


Malaking tulong ito upang masira ang mga pinapamahayan ng mga lamok na may dengue.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.co

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page