@Editorial | December 30, 2023
Isang taon na naman ang lumipas, narito pa rin tayo at nananatiling matatag sa kabila ng mga problemang ating kinakaharap sa araw-araw.
Ang bagong taon ay nagbibigay sa atin ng bagong pag-asa na makapagsimula muli, at pagnilayan ang ating mga kabiguan upang maitama natin ang ating mga pagkakamali sa nakalipas na taon.
Sa pagdating ng 2024, salubungin natin ito nang buong tapang at determinasyon upang mas mapabuti ang ating buong taon hindi lang para sa ating sarili, kundi sa ating pamilya at sa buong bansa.
Gamitin natin ang taong ito upang maging mas mapagkumbaba at tumulong sa kapwa.
Baguhin natin ang ating mga maling pananaw sa buhay at laging maging positibo.
Nawa’y magsilbing aral din sa atin ang mga nagdaang problema at sakuna sa ating bansa upang hindi na ito maulit at atin pang mas mapaghandaan.
Hiling din natin na ang hatid ng taong 2024 ay magagandang biyaya, pag-asa, kapayapaan at kasaganahan ng bawat isa.
Muli, Manigong Bagong Taon sa lahat ng ating ka-BULGAR!
留言