Mas welcome pa sa palasyo ang mga bloggers kaysa sa legit media?!
- BULGAR
- Jun 6, 2022
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | June 6, 2022
HUWAG NA UMASA ANG MGA NAGSAMPA NG DQ KAY P-BBM NA MANANALO SILA SA SC--Ayon kay Supreme Court (SC) Chief Justice Alexander Gesmundo, manunumpa si P-BBM sa National Museum of the Philippines.
Dahil ang SC chief justice ang magpapanumpa kay Bongbong, asahan nang talo sa SC ang mga nagsampa ng disqualification case laban kay P-BBM, boom!
◘◘◘
VP-ELECT SARA, BAKA I-BASH NG MGA MARCOS LOYALISTS DAHIL SA PAG-IIMBITA KAY OUTGOING VP LENI--Kabilang si outgoing Vice-Pres. Leni Robredo sa inimbitahan ni VP-elect Sara Duterte sa panunumpa niya sa tungkulin bilang bise presidente ng bansa.
Naku, hindi kaya i-bash ng mga Marcos loyalists si incoming VP Sara kasi alam naman ng publiko na hate na hate ng mga loyalista si VP Leni, abangan!
◘◘◘
BLOGGERS, MAS WELCOME SA PALASYO KAYSA SA LEGIT MEDIA--Pinanindigan ni incoming Presidential Communication Operations Office (PCOO) Sec. Trixie Angeles na bibigyan niya ng accreditation ang mga bloggers para mag-cover sa mga press briefing sa Palasyo ni P-BBM at sa kabilang banda ay ire-review naman ng PCOO ang mga miyembro ng media na papayagang dumalo sa mga presscon ng incoming president.
Parang sinabi na rin ni Angeles na mas welcome sa kanya ang mga bloggers na mag-cover sa mga press briefing ni P-BBM, kaysa sa mga miyembo ng media, tsk-tsk-tsk!
◘◘◘
PAGKAKAIBA NG JOURNALISTS AT BLOGGERS--Ang buhay ng mga journalist ay kadalasang nasa bingit ng panganib, na 'ika nga ay taya-buhay ang uri ng kanilang mga propesyon.
At sa bahagi naman ng karamihan sa mga bloggers ay sarap-buhay, ilan sa kanila ay nagkakamal ng salapi sa paggawa ng mga fake news para linlangin sa mga isyu ang publiko.
'Yan ang pagkakaiba ng mga journalists at bloggers, period!





Comments