ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 14, 2024
Si Andi Eigenmann ang itinampok sa special episode ng My Mother, My Story hosted by Boy Abunda.
Sa interview sa kanya ay inihayag ni Andi ang saloobin sa pagpanaw ng inang si Jaclyn Jose.
Mas pinili ni Andi ang mamuhay nang simple sa Siargao kasama ang karelasyong si Philmar Alipayo at ang kanilang mga anak.
Ilang beses nang kinukumbinse ni Jaclyn si Andi upang balikan ang kanyang showbiz career. Puwede namang hindi mag-full-time sa pag-aartista si Andi. Luluwas lang siya sa Maynila kapag magteteyping ng pelikula. Hindi naman niya totally iiwanan ang nakasanayang buhay sa Siargao.
Pero mas pinili ni Andi ang tahimik at simpleng buhay sa isla. Hindi naman daw niya kailangan ang mga luho sa buhay. Maging ang kanyang mga anak ay sanay na sa Siargao.
Pero lingid sa kaalaman ni Andi, kaya pala siya kinukumbinse ni Jaclyn na tumanggap ng projects ay upang magkasama sila nang madalas.
Labis na ikinalungkot ni Jaclyn nang magdesisyon si Andi na manirahan na sa Siargao kasama si Philmar at ang kanilang mga anak.
Sobrang na-miss din ni Jaclyn ang kanyang lalaking anak sa Amerika dahil solong namumuhay si Jaclyn Jose sa Maynila.
Pa'no ba 'yan, Sen. Lito?
MANLILIGAW NI LORNA, DAPAT PUMASA MUNA KINA SEN. BONG, JINGGOY AT IPE
Duda ang mga netizens sa tsikang may ‘something’ na namumuo sa pagitan nina Lorna Tolentino at Sen. Lito Lapid. Baka raw pinakikilig lang nila ang mga viewers ng Batang Quiapo.
At this point of her life, mukhang nasanay na si Lorna na walang love life. Masaya na siya sa piling ng mga anak at apo. May mga kaibigan naman siyang nakakasama niya sa mga lakaran.
Sixteen years na mula nang yumao si Rudy Fernandez at walang nabalita na may mga nanliligaw sa kanya.
Nang namatay si Rudy ay marami ang nagsabing tiyak na mahihirapan ang sinumang magtatangka na ligawan si Lorna. Tiyak daw na kikilatisin muna nang husto nina Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Bong Revilla, Jr. at Phillip Salvador ang lalaking manliligaw sa biyuda ni Daboy. Kailangang aprubado ito sa mga BFF ni Rudy at sa mga anak ni LT.
So far, kinaya naman ni Lorna na walang love life at hindi na siya nag-e-entertain ng mga manliligaw.
STAR-STUDDED at kaabang-abang ang darating na 40th Star Awards for Movies.
Bukod kasi sa magagaling at premyadong aktres na sina Nora Aunor, Vilma Santos, Sharon Cuneta at Maricel Soriano ang maglalaban-laban sa Best Actress Category, bibigyan din ng parangal bilang Dekada Awardees sina Nora Aunor, Vilma Santos, Christopher de Leon at Piolo Pascual.
Ang basehan ng Dekada Award ay ang ilang beses na pagwawagi ng award ng mga nasabing celebrities.
Well, truly deserving naman sina Nora, Vilma, Boyet at Piolo sa kanilang pagiging Dekada Awardee dahil may napatunayan na sila.
Hindi na pagdududahan ang kanilang Dekada award dahil bibihira na ang mga artista na nagtatagal sa showbiz at patuloy na tinatangkilik at pinapanood.
MAY conflict nga ba ang samahang AktorPH na binubuo nina Dingdong Dantes, Piolo Pascual, Iza Calzado, Agot Isidro, Cherry Pie Picache, Mylene Dizon at Jasmine Curtis sa Actors Guild o KAPPT (Kapisanan ng mga Artista sa Pelikula at Telebisyon)?
Si Imelda Papin ang pangulo ngayon ng KAPPT, kaya marami ang nagtatanong sa kanya kung bakit may grupo ng mga artista na humiwalay at bumuo ng sariling samahan at ito nga ang AktorPH.
May mga comments naman na elitista raw ang grupo nina Dingdong at Piolo.
Well, ayon kay Papin, walang gap o iringan sa pagitan ng KAPPT at AktorPH.
Malaya ang sinumang artista na bumuo ng kanilang grupo. Pareho lang naman ang layunin nilang makatulong sa mga manggagawa sa pelikula at telebisyon.
Pero ang KAPPT, sa pagkakaalam namin ay malawak ang saklaw at hindi lang ang mga lead stars ang sakop nito. Maging ang mga sumusuporta, kontrabida at talents ay miyembro rin.
Hindi namimili ng miyembro ang KAPPT, basta aktibong nagtatrabaho sa pelikula at telebisyon.
Ngayong na-appoint na director sa PCSO si Imelda Papin, may pagbabago bang magaganap sa KAPPT? Sino kaya sa mga artista ngayon ang karapat-dapat na pumalit sa puwesto niya?
Comments