top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mas pabilisin pa ang pagpapabakuna, plis lang!

  • BULGAR
  • Jun 13, 2021
  • 2 min read

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | June 13, 2021


Isa sa mga naging panawagan natin ay ang agarang pag-release ng lahat ng vaccines na nasa government storage facilities.


Marami sa mga vaccination center sa bansa ang nagsara nang maaga dahil sa kawalan ng supply ng bakuna matapos dagsain ng mga taong nasa A4 category.


Sayang ang panahon kung paghihintayin ang mga tao. Sayang lang din kung mayroong hindi nailalabas sa warehouse at hindi nakararating sa tao ang bakuna.


☻☻☻


Dahil nagdesisyon na ang IATF na buksan sa A4 category ang pagpapabakuna, dapat handa rin ang DOH to cover the necessary requirements, tulad ng syringes at iba pang gamit.


Tinatayang nasa 13 milyon ang mga manggagawa sa Metro Manila at mga lugar na kabilang sa NCR Plus 8. Aabot ito ng 35.5 milyon kung isasama ang mga manggagawa sa labas ng NCR Plus 8.


Nangako ang pamahalaan na may mga parating na bakuna na sa mga darating na araw at sana pagdating ng mga bakunang ito, agaran itong ipamahagi sa mga lokal na pamahalaan na nangangailangan ng supply.


Lahat naman tayo gustong maging maayos na at manumbalik na ang ekonomiya. Sana i-release agad at ilabas na ang mga bakuna ng DOH para mapakinabangan ito agad ng ating mga kababayan.


☻☻☻


Mariin nating kinokondena ang nangyaring pagkamatay ni Keith Absalon, at ng kanyang pinsan na si Nolven.


Walang paglalagyan sa sibilisadong lipunan ang karumaldumal na nangyaring trahedya na ito sa Masbate City.


Lubos tayong pakikiramay sa pamilya Absalon at hinihimok natin ang mga awtoridad na hulihin at panagutin ang mga taong responsable sa pagkitil sa kanilang buhay.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.

Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page