top of page
Search
BULGAR

Mas oks na raw sa Netflix… PIOLO, TANGGAP NA 'DI NA KUMIKITA ANG MGA MOVIES SA SINEHAN

ni Julie Bonifacio @Winner | July 16, 2024



Showbiz Photo

Kita ang saya at pagmamalaki ni Piolo Pascual pagkatapos niyang mapanood ang kauna-unahan niyang pelikula sa Cannes Best Director na si Brillante Mendoza sa ginanap na private screening ng Moro sa Victoria Hotel Cinema, Quezon City last Sunday.


“Uh, nakakataba ng puso na maging parte ng isang pelikula na alam mong may sinasabing mensahe para sa tao. Ako kasi, as a soldier or as a part of this community, meron tayong mensahe but we don’t want to be preachy.


“Pero ‘yung pelikula, naantig ako, eh. Ilang beses akong umiyak, eh. Kasi, it really touched my heart. Ang universal language naman is love. 


“So, ‘yun naman ‘yung dine-depict nu’ng pelikula. ‘Yung pagmamahal ng isang magulang sa mga anak n’ya na talagang sabi ko, napakaganda. Napaka-bittersweet pero napakagaling ni Direk Brillante and ang galing ni Tita Laurice (Guillen). Ang ganda ng pelikula,” lahad ni Piolo.

Inamin ni Piolo na ang Moro ang pinakamatagal na pelikulang ginawa niya. 


“Pero it’s more than worth it. Ilang beses po akong pinaiyak ni Direk (Brillante). Napakaganda,” bulalas pa ng aktor.


Dagdag niya, “Napakasarap nu’ng experience. Ito ‘yung mga pelikula na dapat panoorin sa sinehan. But we have to watch it with Netflix because bigger audience.


“And, this deserves, you know, an audience para malaman talaga natin ‘yung state ng buhay natin bilang mga tao na not just being Filipinos. 


“So, I hope this will serve as a reminder for us to assess and know where we are in our lives. ‘Yun naman ang cinema, eh. Kaya sana po, ma-appreciate natin ‘yung munting handog ni Direk Brillante. Maraming-maraming salamat for this opportunity."


Sa July 19 ang labas ng Moro sa Netflix Philippines and Asia Pacific. Ang iba pang cast ng Moro ay sina Laurice Guillen, Baron Geisler, Christopher De Leon and Joel Torre.

Kasama rin sina Beauty Gonzalez, Nikki Valdez, Felix Roco, Ina Feleo, Alvin Anson, Rolando Inocencio, Dido Dela Paz, Kirst Viray at Onyl Torres.


Mabuti na lang talaga at ginawan ni Piolo na makapagbigay ng schedule para sa Moro. And if ever magkakaroon daw ulit ng role na ialok sa kanya si Direk Brillante, sana raw ay magawa niya. 


Kinuha rin namin ang opinyon ni Piolo ukol sa mga local films na ipinapalabas sa Netflix instead sa mga sinehan.

Esplika ni Piolo, “Me as a producer, I’m also for streaming because you get at least recup (recuperate) your money. 


“Kasi ‘pag nag-pelikula ka at nag-theatrical ka, chances are ‘di ka makakasigurado kung maibabalik ang investment mo, kung may ROI (return of investment) ka o wala.

“So, (the) easiest way out is to go streaming. I mean, you know, it’s the norm right now.”


Para kay Piolo, gagawa raw siya ng pelikula pero hindi niya iri-risk ipalabas kung hindi naman kikita.


Walang bahid ng pagsisisi si Piolo na nakipagpalit siya kay Baron ng role. 

Aniya, “Uh, ‘pag team player ka, kapag kasama ka sa pelikula, no matter how big or small your role is, ang sarap ng pakiramdam na kasama ka sa isang mensahe. ‘Yung pelikula is a message to our audience. 


“Wala talaga sa laki o liit ng role ‘yan.”


Sabi nga ni Konstantin Stanislavski, “There are no small roles, only small actors.”

But in fairness sa role ni Piolo sa Moro, malakas din ang impact at pivotal ito.


“Ang sarap,” paglalarawan ni Piolo sa pagganap niya bilang nakatatandang kapatid ni Baron sa Moro.


“Parang Gomburza. Alam mo ‘yung parang cameo. I’m living in a time wherein I’m able to, you don’t have to be the lead para maging parte ka ng isang pelikula, ng isang istorya. It’s more than anything I can dream of. Para sa ‘kin, ang sarap,” dagdag pa niya.


Lastly, tinanong namin si Piolo kung may gagawin ba siya na pelikula para sa 2024 Metro Manila Film Festival.


“Secret! Hahaha! Sana matanggap,” dasal ni Piolo.


Dugtong pa niya, “Of course, meron tayong gagawin para sa festival. Pero sana, sana makapasok!”


‘Yun na!

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page