top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Mas oks ang “companionship-contract” kaysa sa same-sex marriage

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 26, 2021
1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | November 26, 2021



NAGKALAT pa rin ang text scam.


Sintomas ‘yan ng pagdarahop!

◘◘◘


NAGPA-DRUG test na rin sina Mayor Isko at Doc Willie.


‘Yan ang trending!

◘◘◘


IBINASURA na ang same-sex marriage.


Dapat lang!


◘◘◘


SA aktuwal, dapat gumawa ng batas tungkol sa “companionship-contract” kung saan nagsasama na tila mag-dyowa ang may kaparehong kasarian.


Ito ay upang maging patas ang trato ng batas, partikular sa social benefits na itinatadhana ng batas tulad sa SSS at GSIS benefits!


◘◘◘


KARANIWANG nagpupundar ng mala-conjugal property ang “nagsasamang may parehong kasarian”.


Pero nawawalan ng proteksiyon ng batas ang mga “naulila” sa partnership!


◘◘◘


ANG kasal o marriage ay may espesipikong depinisyon at konotasyon — hindi ito maaaring mabago ng anumang batas.


Naunang nabuo ang depinisyon ng marriage na may kakambal na “basbas ng relihiyon”.


Ang kasal ay orihinal na doktrina ng mga relihiyon na iniangkop lamang sa sibilisasyon!


◘◘◘


SA modernisasyon, dapat proteksiyunan ng batas — ang “dalawang tao” na nagkasundo na magsama ng habambuhay.


‘Yan dapat ang konteksto ng panukalang-batas.


Hindi angkop ang “same-sex” marriage.


Depinisyon pa lamang ay lihis na sa sustansiya ng batas!


◘◘◘


ANG pokus ng batas ay ang “conjugal property’ at social aspects ng pagsasama ng dalawang tao.


Walang kinalaman dito ang doktrina o dogma ng mga sekta o relihiyon!


◘◘◘


DAPAT maunawaan ng lahat na ang mga umiiral na batas ay kinopya lamang sa mga sinaunang tao na nagpundar ng sibilisasyon.


Mahigit nang 2,000 taong luma at lipas na ang mga batas — pero hindi ito iniaangkop sa nagbabagong mukha ng lipunan!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page