top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mas murang antigen at RT-PCR test, bilisan!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 1, 2022
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | February 1, 2022



Muling babawasan ng gobyerno ang bayad sa antigen at RT-PCR test.


Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), pinaplantsa na lang ang patakaran para sa mas mababang presyo ng antigen at PCR test.


Sa kasalukuyan, P900 ang price cap ng antigen at plano itong ibaba ng P200 hanggang P300, habang pinag-aaralan pa kung magkano ang kayang ibawas sa RT-PCR test.


Samantala, wala pang inilalabas na suggested retail price (SRP) ng COVID-19 self-test kits dahil dalawang brand pa lamang nito ang aprubado.


Sa ngayon, nabibili na sa ilang botika ang COVID-19 self test kits, pero hindi tulad sa ibang bansa na over-the-counter, dahil sa ngayon ay kailangan pa ng doctor’s prescription bago makabili, ngunit target din na mabili ito kahit walang reseta.


Kung mas mapapababa ang presyo ng COVID-19 testing, mas maganda dahil mas maraming makikinabang.


Matatandaang requirement pa rin ito sa pagpasok sa trabaho, gayundin sa paglabas at pagpasok sa ilang lugar o probinsiya, kaya dapat lang itong gawing abot-kaya.


‘Yung iba kasi, kahit sabihin nating mas mura na ito kumpara sa dating presyo, malaking halaga pa rin para sa kanila, kaya ang iba, hindi na lang nagpapa-test o kaya naman, gumagamit ng pekeng resulta.


Kaya kung mas magiging abot-kaya ang COVID-19 testing, maiiwasan ang pagkalat ng pekeng resulta, gayundin, mas makatitiyak tayo na talagang negatibo sa sakit ang mga nagbabalik sa trabaho at lumalabas o pumapasok sa mga lalawigan.


Sana lang, maipatupad ito sa lalong madaling panahon para mapakinabangan na at isa pa, para walang manghinayang na magpa-test.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page