Mas matinik kay Derek… JOHN LLOYD, 9 ANG NAGING GF SA SHOWBIZ, SARAH MINAHAL DIN

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 30, 2020

Mas matinik pa pala sa chicks si John Lloyd Cruz kesa kay Derek Ramsay kung ibabase sa mga babaeng kanyang nakarelasyon.
Bale siyam ang mga artistang naging GF ni JLC simula nang pumasok siya sa showbiz.
Kabilang dito sina Kaye Abad, Ciara Sotto, Heart Evangelista, Angelica Panganiban, Liz Uy, Krista Ranillo, Ruffa Gutierrez, Shaina Magdayao at ang pinakahuli ay si Ellen Adarna.
Na-link din si JLC noon kay Sarah Geronimo nang magtambal sila sa ilang pelikula. Pero, hindi nauwi sa totohanan.
Single na ulit ngayon si Lloydie dahil naghiwalay na sila ni Ellen matapos manganak ang sexy star kay Elias.
Ang perennial screen partner naman ni JLC na si Bea Alonzo ay nilinaw niyang hindi sila nagkaroon ng seryosong relasyon. BFF lang ang turingan nila sa isa't isa.
Si JLC daw ang “shoulder to cry on” ni Bea kapag may problema siya sa pag-ibig.
Samantala, inamin ni John Lloyd na totoong minahal niya si Sarah Geronimo. Ibang klaseng pagmamahal na punumpuno ng respeto.
Hindi masasabing naging MU sila kundi may “special connection" sila sa isa't isa. Hindi nga natuloy ang panliligaw sana niya kay Sarah dahil at that time, committed pa siya sa ibang babae.





Comments