Mas mataas ng P76.11-B... Utang ng ‘Pinas, lumobo sa P18.55-T
- BULGAR

- Jul 3
- 1 min read
ni BRT @News | July 3, 2026

Photo: File / BGC
Pumalo sa P18.55 trilyon ang kabuuang utang ng gobyerno ng Pilipinas sa katapusan ng Mayo 2026, ayon sa pinakahuling ulat ng Bureau of the Treasury (BTr).
Mas mataas ito ng P76.11 bilyon o 0.41 porsyento kumpara sa P18.47 trilyon na naitala noong katapusan ng Abril.
Ayon sa BTr, pangunahing dahilan ng pagtaas ng utang ang mas agresibong domestic borrowings o pag-isyu ng government securities upang pondohan ang mga programa ng pamahalaan sa gitna ng pabagu-bagong galaw ng merkado.
Nabatid na 68 hanggang 70 porsyento ng kabuuang utang ay mula sa loob ng bansa, habang ang natitira ay mga utang sa ibang bansa.
Sa kabila nito, iginiit ng BTr na nananatiling manageable ang utang ng bansa dahil sa patuloy na paglago ng ekonomiya, bagama’t inaasahang lalampas ito sa P19 trilyon bago matapos ang 2026.





Comments