₱5,000 lang, puwede nang mag-invest sa RTB 32

by BRT @News | October 5, 2026

Photo: RTB 32 - Courtesy Bureau of the Treasury
Puwede nang makapag-invest ang mga Pilipino sa bagong Retail Treasury Bond (RTB 32) ng gobyerno sa halagang ₱5,000 lang, na may interest na hanggang 6.875% kada taon.
Ayon kay DBP President at CEO Michael de Jesus, mas maikli rin ang termino nito na 2.5 taon at quarterly binabayaran ang interest.
Nakatakdang i-issue ang RTB 32 sa Oktubre 12, 2026 at mag-mature sa Abril 12, 2029.
Maaari itong bilhin sa 153 DBP branches sa buong bansa. Hanggang Oktubre 7 ang public offer period.
Mayroon ding Switch Program kung saan maaaring ipalit ng eligible bondholders ang kanilang kasalukuyang bonds sa RTB 32, kasama ang accrued interest hanggang sa petsa ng issuance.





Comments