Mas mataas ng 153%... 450 measles at rubella cases, naitala — DOH
ni Lolet Abania | October 5, 2022

May kabuuang 450 measles at rubella cases ang nai-record sa unang siyam na buwan ngayong taon, 153 porsiyentong mas mataas ito kumpara sa naitala sa parehong panahon noong 2021, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Miyerkules.
Sa tally ng DOH, 450 kaso ng nasabing sakit ay nai-record mula Enero 1 hanggang September 17, habang 178 cases lamang sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Una nang sinabi ng DOH, batay sa assessments mula sa United Nations agencies, na posibleng magkaroon ng outbreak ng measles sa 2023 dahil anila ito sa mababang bilang ng mga bata na nakakatanggap ng routine immunizations.
Ayon sa World Health Organization (WHO), “[Measles is a] highly contagious, serious disease caused by a virus that is usually transmitted through direct contact and through the air. Its symptoms include high fever, runny nose, a cough, red and watery eyes, small white spots or rashes.”
Gayundin, ang measles ay kumakalat sa pamamagitan ng pagbahin, pag-ubo at close personal contact, habang ang sintomas na skin rashes ay tumatagal ng mahigit sa 3 araw.
Base naman sa DOH website, nagdudulot ang naturang sakit ng komplikasyon gaya ng diarrhea, middle ear infection, pneumonia, encephalitis o swelling ng brain, malnutrition, at pagkabulag, kung saan maaaring humantong ito sa kamatayan.
Samantala, ayon sa ahensiya, ang rubella o “tigdas hangin” na impeksyon sa mga buntis ay maaaring maging dahilan ng fetal death o birth defects.
Batay sa report ng DOH, karamihan sa mga kaso ng measles at rubella ngayong taon ay na-detect sa Calabarzon na may 70 cases, Central Visayas na may 61, at Metro Manila na may 47.
Binanggit din ng DOH na mula Agosto 21 hanggang Setyembre 17, nasa 68 cases ang nai-record.
“Regions IV-A, VIII, IX, X and XII showed case increases in the recent four morbidity weeks (August 21 to September 17, 2022),” pahayag ng ahensiya.
Sa parehong period, sinabi ng DOH, “5 out of 17 regions (Regions II, IV-A, V, VII, and NCR) surpassed the measles epidemic threshold levels.”
“Nationally, 36 cases were classified as laboratory-confirmed measles, while 37 cases were classified as laboratory-confirmed rubella,” saad ng DOH.
May dalawa namang naitalang nasawi noong Agosto at Setyembre, ayon pa sa ahensiya.





Comments