top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mas maraming ruta ng PUVs, win-win sa mga komyuter at tsuper

BULGAR
Oct 3, 2022
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | October 3, 2022


Bilang pagtugon sa pangangailangan ng pampublikong sasakyan, muling binuksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang nasa 43 pre-pandemic routes ng mga public utility vehicles (PUVs).


Sa memorandum circular No. 2022-073 na inilabas ng LTFRB, ang reopened routes ay para sa buses, traditional at modern jeepney, gayundin ang utility vehicles sa ilalim ng Metro Manila Urban Transport Integration Study Update at Capacity Program (MUCEP).

Ayon sa LTFRB, 20 sa 43 binuksang ruta ay para sa bus, kung saan nasa 1,675 units ang papayagang bumiyahe.


Kasabay nito ang paalala nng LTFRB sa PUV operators at drivers na sa pagbabalik ng serbisyo, dapat ding sundin ang mga polisiya na nakapaloob sa Certificates of Public Convenience dahil posibleng patawan ng multa ang ang sinumang lalabag.


Nang tumaas ang mobility o kilos ng mga tao dahil sa pagluwag ng restriksyon, mas maraming biyahero na ang nangangailangan ng PUVs.


Mula sa mga mag-aaral na pumapasok sa eskuwela hanggang sa mga empleyadong nagbalik-opisina, kapansin-pansin ang kakulangan ng mga pampublikong sasakyan.


Ang siste, naiipon ang mga pasahero sa mga terminal at ang ending, nagiging siksikan, bagay na posibleng pagmulan ng hawahan ng COVID-19.


Bukod pa r’yan, doble-pahirap ang putol-putol na ruta dahil hindi lang pagod ang nadodoble kundi maging ang pamasahe.


Kaya naman, malaking bagay ang muling pagbubukas ng mga dating ruta ng PUVs, hindi lamang sa mga komyuter kundi maging sa mga driver at operators, kumbaga, win-win dahil parehas na makikinabang ang publiko at ang mga naghahanapbuhay na tsuper.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page